photo credits: everesthillsmemorial |
Naisip ko habang naglalakad kami ni Ingrid, lahat kaya ng tao sa mundo ay walang alam sa kung sino sila noong nakaraang buhay nila? Gaano sila katagal nabuhay, sino ang mga naging kabigan nila, sino ang pamilya nila. Hindi kaya alam nila kung sino ang naging kabiyak ng puso nila noon? O kaya makaramdam man lang sila ng kakaiba kapag muli nilang makasalamuha kung sino man ito?.
Kakapanood ko kasi ‘to ng Spider-Man eh. Si Peter hindi na piniling magpakilala kay Mary. Pero umaasa pa rin akong gagawin niya ‘yon sa next chapter, malay mo meron pang Spider-Man: I’m Back Home. Itong si Ingrid din, halatang uwing uwi na din, hila-hila ang kamay ko’t halos kaladkarin na nga niya ako.Nakakatakot isipin no? Na lahat ng mahal natin sa buhay balang araw ay iiwan ‘din tayo. Maaaring mauna sila, pwede rin namang ikaw, hindi natin alam. Ang alam ko lang ay walang permanente sa mundo at kailangan nating tanggapin kung kukunin na sila sa atin. Pero sa lagit, hindi kaya nagoover population doon? O talagang dadaan lang sa new life cycle ang Espiritu ng isang tao?.
Si Era. Ang dati kong kasintahan. Anghel na kaya siya ngayon? Kung sa bagay, mula noong una ko siyang makita hanggang sa salamin ng kaniyang huling higaan ay mala anghel pa rin naman siya. Nasa langit na kaya siya ngayon? O nandoon na siya sa panibagong buhay. Kung ano man, sana ay masaya siya at walang nararamdaman na kahit anong galit para sa akin. Nagmahal akong muli, at sana mapatawad niya ako kung hindi ko napanindigan ang aking pangako.
Napabitaw ako sa kamay ni Ingrid noong matanaw ko ang arko ng Everest Hills Memorial Park. Pupunta ka pa talaga?-Iritang tanong niya sa akin. Kamot ng ulo na lang ang naisagot ko sa kaniya kaya dali-dali siyang sumakay sa bus na papaalis na pala. Mauna ka na do’n!-sigaw ko sa kaniya pero halatang asar at galit kaya hindi na initindi ang aking sinabi.
Saglit lang naman ‘yon pero napansin ko na marami na pala ang nakatingin sa akin dahil sa pagaalburoto ni Ingrid. Napabili na langa ko ng sigarilyo at sisimulan ko na sanang maglakad ngunit isang mala anghel na bata ang humarang sa akin. Inalok niya ako ng paninda niyang mga bulaklak. “Kuya dalahin mo ‘to sa kan’ya. Sigurado ako mapapatawad ka na niya.” Pero hanggang makarating sa harap ng pundot ay kinikilabutan at iniisip ko pa rin kung sino ang tinutukoy ng bata.
~WAKAS
No comments:
Post a Comment