Friday, June 10, 2022

Nedaay

image credits: valdo
May mga imahe sa kisame ng kwarto ni Scarlet. Lagi siyang nakatingala para tanawin ang mg ito. Ang pagsusuyuan namin noong kami'y dalaga't binata. Ang umula't umaraw na pagsundo ko sa kaniya. Ang mga uri ng librong naipalo na niya sa akin. Ang pagpapakilala ko sa kaniya sa aking magulang. Ang tuluyang pag "Oo" niya sa aking pagsuyo. Ang tuluyang pagsasama namin at pagbuo ng mga pangarap. Ang mga pangyayari sa araw ng aming pagiisang dibdib. Ang unti-unting paglaki ng anak naming si Justine. Ang unti-unting pagabot namin sa mga pangarap. At ang unti-unting pagbagsak ng aking katawan.

Wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. Lalong hindi ko sinisisi ang Diyos kung bakit sa amin ito nangyari. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong may plano siya para sa aking mag-ina. Alam ko ring patuloy niyang gagabayan ang aking mga minamahal. Wala kaming pinagkaiba ni Scarlet, araw-araw ko ring tinatanaw ang aming mga alaala, ang pinagkaiba lang ay payuko ang sa akin. Sana may paraan pa para kahit sa huling beses ay maihaplos ko sa kaniyang tainga- Mahal na mahal ko kayo. Wag kang mag alala, kahit nasa kabilang dulo na ako. Alam kong may Diyos na magiingat sa inyong dalawa.


~WAKAS




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin