Thursday, May 19, 2022

Akinse

photo credits: tunaolger
“Tatlong gabi ko nang iniisip kung susulat pa ba ‘ko ulit.
Ngunit wala akong mapiga sa kakarampot kong isip.
Marahil ang siglang hanap ng puso’y ‘di pa nagbabalik.”
-B

“Nandito ka pa rin?” Gulat na gulat mong sabi na parang ako na lang ang hindi na nababagay sa Sitio Siwit, yung para akong nag earth trip na alien, naiwan ng flying shuttle pabalik sa multiverse.
“Eh ano pa nga ba?” Ang tangi kong nasabi kahit alam kong naghihintay ka ng mas masaganang sagot, o magandang pagsalubong man lang sa pagbabalik mo.

“’Yan parin?” sabay paturong nguso ko sa kandong mong sketch pad. Halos mag tatakip silim na ngunit kapansin pansin na wala ka pa ring kahit anong naiguguhit.

“Bakit? Ikaw rin naman eh.“ Bawi mo sa akin dahil napansin ang dala kong papel at panulat tenga.

"Tatlong gabi na nga ako dito eh.” Sagot ko naman.

Bakit kaya ganon? Aminado naman ako na masaya akong makita ka ulit. Aminado naman ako na matagal kitang hinintay. Bakit hindi ko maipakita ang sayang nararamdaman ko ngayon para suklian ang ibinibigay mong mga ngiti sa muling paguusap at pagkikita natin?

Gusto Kong itanong pero hindi ko magawa, sabi mo kasi madali lang gumuhit, bakit hanggang ngayon ay wala ka paring maiguhit kahit alam kong ilang araw ka nang nakabalik. Gusto ko ring aminin hindi tatlong araw kundi’ tatlong taon na akong ganito, walang maisulat, walang kabuhay buhay dahil maaring nakaalis ka sa Sitio Siwit ngunit hindi sa aking isip.

“Nandito ba siya?” Ang tanong Kong iyon ay tila nagtanggal ng mabigat mong binubuhat sa iyong dibdib. Umiling ka na may kasamang lungkot kaya naisipang kong sa pagkakaupo mo ay tumabi.

“Noon pa lang dapat ikaw na.” Bulong mo sa aking balikat kasabay ng pagyakap mo sa akin ng mahigipit at doon na tuluyang nabasa ng luha ang mga papel na dala natin.

“Tatlong taon ko nang pinpilit, na muli akong makaguhit.
Ngunit hindi malaman kung paanong sisimulan ulit.
Sa nagbibigay ng kulay saking damdamin, kailngan kong makabalik.“
-K


~END




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin