Friday, May 20, 2022

Ados

image credits: avgust
Sana kung nasaan ka'y inaaalala mo pa rin ang ating mga kahapon. Sana mahigpit pa rin kitang nayayakap sa buong maghapon. Sana ang araw-araw na pagalala sayo'y hindi lungkot ang pabaon.

Sana ang mga pangako ko'y nagyabong. Sana sa putik ng kahirapan ay maaaga kitang naiahon. Sana ikaw pa rin ang sa umaga'y pinagmamasdang bumangon. Sana ang tadhana'y maganda sa'tin ang salubong.

Sana'y hinintay muna natin ang araw. Sana'y tinaggap na lang nila tayo't binigay ang kanilang basbas. Sana'y hindi ako napapikit ng kahit ilang saglit. Sana'y napansin ko agad ang paparating na bus.



~END




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin