Wednesday, December 21, 2022

Nobara Por Yna

image credits: eugenia hauss
Sabi nila malayo ang lalakbayin ng kaluluwa bago nito mahanap ang itindahanang kapareha
Sabi nila hindi mabilang ang sakit na pagdaraanan bago makamit ang tunay na kaligayahan
Hindi ko alam. Bakit nga ba hindi maaaring sa una pa lang ay tayo na agad ang nagkakilala
Hindi ko alam. Bakit nga ba kailangan nating dumaan muna sa masasakit na mga karanasan


Binuksan ko ang aking kamay at pinagmasadan ang bawat sugat na idinulot sakin ng tankay
Ganito pala ang sakit na kailangang danasin upang maipadama ang tunay na pagmamahal
Hanggang kailan nga ba kailangang masaktan ang isang tao para lang mahalin din ng tunay
Pagdating ng ligaw na rosas na 'yon sa kaniyang kamay. Sana'y ingatan at pahalagahan niya.

Mula sa akin. At katulad ko rin. Wala nang ibang mapupuntahan pa kung hindi sa kaniya. 


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin