Sunday, December 31, 2017

Maikling Pagiisip Sa D25

credits: helton brewing
Ano nga ba ang Buhay? Isang ilusyon, isang anino, o 'di kaya'y isang kuwento na hinahabi ng panahon. At ang pinaka inam sa mundo ay maliit lamang, sapagkat ang lahat ng buhay sa mundo ay isa lamang panaginip, at maging ang mismong mga panaginip ay panaginip lang din.


Tuesday, December 19, 2017

Entrapped Lover

credits: roozbeh feiz
Hindi mapigilan ang nararamdaman. Alam na gusto ka ngunit takot ilapit, ang puso ko'y ihakbang. Sisilipin ka mula sayo'ng kinatatayuan at iyon ay sapat na. Kahit sarili ko'y 'di mapagbigyan dahil alam na 'di tayo bagay.

Nagwawala na ang aking damdamin makita ka lamang. Suko ako sa mga ngiti mo kahit pa madalas mong gawin na hindi ako ang kaharap. Sa Diyos ay matagal na kitang hiniling. Ngayong alam kong ikaw na. Pagsubok lang ba niya sa akin na lahat sila ay sa iyo rin nakatingin?


Friday, December 1, 2017

Tala ng Buhay

credits: kathrynbeals
Mahirap iwan ang isang tao na minsan nang napamahal sa'yo, ngunit kung kailangan-gagawin at gagawin mo ito. At sa puntong iyon, huwag kang aasang babalik siya ng basta na lamang sa'yo. Kalimutan mo na rin ang kasabihang kung para talaga kayo sa isa't-isa'y babalik at babalik siya sa'yo. Dahil kailangan mong magpatuloy kung may nais kang marating, kailangan mo munang alisin sa isip ang pag-ibig. Dahil hindi mo mararating ang panibagong karagatan kung takot kang mawala sa tanaw mo ang baybayin.


Sa Aking Aklat

credits: leah saulnier
Sa aking aklat ko naisulat ang lahat
Lahat ng mahalaga sa akin ay doon naisulat
Mahahalagang pangyayari'y doon naitala lahat
Puno ng pagmamahal kahit simple lang ang pabalat

Sa mundo ito'y handa kong ipagkalat
Upang maibahagi, pag-ibig mula sa aking naisulat
Itinalang paghanga sa kagandahan at kabutihang taglay
Hindi alintana kahit pa maraming taon ang hinintay



Sunday, November 19, 2017

Huling Rayna

credits: manon ladouceur
May halong takot at pagkamangha ang salubong nila sa iyo noong tanggaling tuluyan ang kurtina. 'Di tulad noong ang mga tulad mo'y sa telebisyon lang makikita, tanging saya ang dala, sa pagiisip na hindi naman banta ang isang imahinasyon lamang.

Kung bakit may mga taong tulad nila ay hindi ko rin alam. Walang pakialam sa mararamdaman ng iba. Lalu pa't hindi tulad ng uri nila. Kinausap ko pa nga si mang Erning kung bakit padalus-dalos ang naging desisyon niya't hindi man lang pinaalam sa akin.


Thursday, November 2, 2017

Salumsom

credits: rene salta
Hindi ko na siya kinailangang hanapin. Alam kong naroon siya. Hinahangin pa ng dalampasigan ang kaniyang mga buhok habang tahimik niyang hinihintay ang  nakatakdang pamamaalam ng haring araw. Halatang pagod at may lungkot ngunit alam kong may mahihintay pa ring ngiti mula sa kaniya, ganon ako kasigurado, na parang may kwerdas na naguugnay sa aming mga damdamin.



Monday, October 23, 2017

Eskinita

credits: fred cipres
Sa lugar kung saan walang mga orasan
Hiling ko'y maaga akong masaktan
Sa gitna ng dilim na aking kinalagyan
Sana kamtaya'y 'di maging karumaldumal

Sampal ng reyalidad nais ko nang kamtan
Sana ako pa'y magising sana'y 'di pa ito ang 'hulihan
Emosyon ang usok na bumabalot sa'king kinaroroonan
Dasal na sana mga mahal sa buhay akin pang mabalikan



Saturday, September 30, 2017

Prom Premonition

savas
credits: ~majood
Huli na nga ako ngunit mas huli pa daw makakarating ang kasintahan kong si Ely. Malamang ay dahil sa walang kamatayang pagpapaganda. Matagal din kasi niyang hinintay at pinaghandaan ito, lahat para masiguradong sa gabing ito ay siya ang makokoronahang Prom Queen. Habang sa malalim niyang balatkayo, kamuntikan kong hindi makilala ang dati kong kasintahang si Jenna. Pero bakit pa nga ba ako nanibago? Ganito naman talaga siya ka weirdo, isang babaeng mahirap basahin, at tila may sampung pagkatao na kaya niyang iharap sa mga makakahalubilo.



Thursday, June 15, 2017

Angkas

credits: aliexpress
Sa aking lakbay, pinipilit ko pa rin ang makahabol sa takbo ng ating buhay. Sinusunod ang mga konseptong patakaran ng isang pamayanan na naghahalo ng tama at mali sa hangin ng kamaynilaan. 'Di isinasaisip ang mga kwentong at pangyayari na maaaring naganap kung ako'y huminto't pinagbigyan ang iyak ng sumasakit na likuran.




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.