Thursday, June 15, 2017

Angkas

credits: aliexpress
Sa aking lakbay, pinipilit ko pa rin ang makahabol sa takbo ng ating buhay. Sinusunod ang mga konseptong patakaran ng isang pamayanan na naghahalo ng tama at mali sa hangin ng kamaynilaan. 'Di isinasaisip ang mga kwentong at pangyayari na maaaring naganap kung ako'y huminto't pinagbigyan ang iyak ng sumasakit na likuran.

Nakita kita't isasabay sana. Ngunit alam na ang pagiging mabilis ko rin ang tumakot at nagpaatras sa'yo. Ikinakahiya ko nga ba ang mga nasabi ko? Bakit pakiramdam ko'y marapat ko pang ipagmalaki na naamin ko ang nararamdaman ko para sa'yo? Siguro nga, lapastangan ang bumusina sa likod ng isang kaluluwang walang alam na siya'y may tagasunod, tagahanga.

Sino ako para isiping aangkas ka? Kung mukha ko'y kahirapan, at sasakyan ko'y kadungisan? Mali ba ako noong naisipang ikaw ang nais kong marating isang araw, 'o sa kabaliwang ako ang makapagdadala sa'yo sa nais mong mapuntahan?

Kung bakit ka kumaway at nagpamalas ng ngiti para sikatan ang ilang taon kong pananawa sa kadiliman. Kahit sa salamin lang natanaw. Kailangan kong bumalik para malaman.

Babalik tayo sa umpisa. Sa pangyayaring pareho nating kailangan ungkatin para mabigyang liwanag ang mga katanungan. Sa Check Point pag-ibig, kung saan ko ipinagtapat ang paghanga ko sayo'ng katauhan. At muli akong matitigilan sa iyong harapan, dahil sa sinabi mong-wala naman akong kasalanan, nabigla ka lang, at wala akong dapat na katakutan.


~~o~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin