credits: fred cipres |
Hiling ko'y maaga akong masaktan
Sa gitna ng dilim na aking kinalagyan
Sana kamtaya'y 'di maging karumaldumal
Sampal ng reyalidad nais ko nang kamtan
Sana ako pa'y magising sana'y 'di pa ito ang 'hulihan
Emosyon ang usok na bumabalot sa'king kinaroroonan
Dasal na sana mga mahal sa buhay akin pang mabalikan
Isang eskinita ang tanging nakitang daan
Lahat ng takot ko ay dapat na labanan
Tinahak siyang walang pagaalinlangan
Para lang ang nagkakamaling mundo'y aking magisnan
Silang mga dikit na sa bisyo ang inabutan
Silang mga labas-masok sa bilanguan
Silang naghihirap ngunit walang ginagawang hakbang
Silang ang mali ay pinananampalatayaan
Silang maaaring 'di na ako palabasin sa looban
Sa eskinitang ito, mararating ko pa ba ang hangganan
Kung bakit ang mga imaheng ito sakin ay nagdaraan
Mananatiling Diyos lamang ang nakakaalam
Sumiklab ang putukan sa eskinitang aking dinaanan
Saan tatakbo ang sa ganitong mundo'y 'di napadpad kailanman
Sa pag gising, nalamang 'di pala ako ang sinusundo ni kamatayan
Sa altar ay nagmadaling magpasalamat at nagdasal, kasama ang kahilingang
Hindi sana ganito ang nangyayari sa ating mga kababayan
~~ o ~~
No comments:
Post a Comment