Thursday, November 2, 2017

Salumsom

credits: rene salta
Hindi ko na siya kinailangang hanapin. Alam kong naroon siya. Hinahangin pa ng dalampasigan ang kaniyang mga buhok habang tahimik niyang hinihintay ang  nakatakdang pamamaalam ng haring araw. Halatang pagod at may lungkot ngunit alam kong may mahihintay pa ring ngiti mula sa kaniya, ganon ako kasigurado, na parang may kwerdas na naguugnay sa aming mga damdamin.

Habang walang pangiistorbo akong naupo sa kaniyang tabi, agad kong napansin ang tila nagtatanong niyang mga mata. At sa pagyuko niya sa kaniyang mga tuhod, ang nagawa ko na lang isipin ay-ako kaya ang iniisip nitong si ganda? Kahit pa alam ko naman talaga ang sagot sa sarili kong katanungan. 'Sabay pa sa biglang pagdilim ng paligid ang pag angat niya ng ulo at pagkabura ng kunot sa noo na parang kabaligtaran ng paglubog ng araw ang nangyayari, tila bagong araw kasi ang sa kaniya'y sumisikat.

Takipsilim na pala kaya ngumiti na siya sa wakas. Ngiti sa pagalala ng mga sandali noong magkasama pa naming hinihintay ang takipsilim. Sana ay maaari kong ipaalam sa kaniya kung anong saya ang dulot sa akin na mamasdan ang ngiti niyang iyon. Sana pwede ko siyang yakapin at sabihin ang mga plano ng Diyos kung bakit niya kailangang magpatuloy sa buhay, hanapin ang ligaya, at tuparin ang mga pangarap, kahit pa hindi na ako makakasama.


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin