Sunday, October 25, 2020

Peklat

art credits: jessica getz

Marami na rin ang itinapong hamon sa ating daan hanggang sa nasabi ko sa sariling baka hindi talaga pwede? Maaaring mahina ako sa isip nila pero ginapang ko na ang lahat ng suliranin, higit pa sa inaakala nila. Ang sagot upang matapos lahat ng aking pinagdaanang sakit, at paghihirap, hindi sa tagumpay ngunit sa tuluyang pagbitaw ko pala matatamasa. Sa una ay pangamba ko nang sa ganito matatapos ang lahat ngunit ano ba ang masama sa sumubok? Marunong naman akong maghintay. Ngunit hindi pala talaga ito kaso ng "Kailan" kun'di ng "Papaano?".



Sunday, October 18, 2020

Kalimutaw

credits: mnhs ta ~ supreme student government 
Narito na ang iyong pangarap. Ang powdered milk sa tuktok ng ice-scrumble 'ika nga. Ito na ang napakatagal mong hinintay. Kahit alam kong maraming mga pagbabago ang naganap dahil hindi natin kayang manatiling mga batang puno ng pagpupursigi habang nakasakay tayo sa ating pagmamahalan patungo sa malayong lakbayin-sa ang ating mga pangarap.


Sunday, October 11, 2020

Sementara

image credits: wendy bray
Nakahiga sa damuhan na parang walang problema sa buhay. Dama ang buntong hinga ng kalikasan sa aking balat, sa mata ay pagkilos ng mga ulap lang ang tanging palabas. Ngunit pagtumbalik sa realidad, ako'y nasa kwarto lang, tinatakasan ang liwanag hanggang sa tuluyang ang gabi ay sumapit na.



Sunday, October 4, 2020

Alamat ng Taal

art credits: abremson
"Paunawa. Ang akdang ito ay orihinal na kwento na aking ipinaskil sa www.kwentistablog.blogspot.com. Ito ay personal kong isinulat, hindi ito para sa mga proyekto o' aralin sa mga paaralan. Salamat po sa inyong pagbasa at pagbisita sa aking blog :)"  -AldrinEspiritu(Blindpen)

Si Benita, pangalawa sa walong magkakapatid. Kahit kailan ay hindi nagkaroon ng pagkakataon si Taal na makilala ang kahit sino sa kapamilya o' kahit kamag anak man lang ni Benita ngunit palagi niyang nababanggit ang kaniyang mga kapatid na si Kanlaon at Musuan. Tahimik daw ang mga kapatid niyang iyon ngunit mahirap biruin. Palagi niya ring reklamo kung bakit silang dalawa lang ni Hibok ang pinagkaitan ng tangkad sa magkakapatid.


Monday, September 28, 2020

Bulawan

image credits: artists & illustrators
Pinagmasdan ko muna siya sa malayo bago ko siya tuluyang lapitan. Ang distansya ng aming pagkatao ay milya at mahirap paniwalaan. Parang ngiti lang niya ang sinadya ko doon sa complex at maari na akong umuwi. Ramdam na ramdan ko kung gaano ako kapalad na makakilala ng isang tulad niya. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagdating niya sa buhay ko ngunit hindi na kailangan, wala siyang ideya kung gaano niya ako napapasaya.



Friday, September 25, 2020

Gamotonimya

Gusto kita. Gusto kong akin ka lang ngunit bigo ang isang buhay Gamugamo. Sa pagsabay sa akin ng kamalasang tadhana, maaari ko pang guluhin ang iyong tainga ngunit matagal mo na akong pinandirihan at pinagtabuyan.



Sunday, September 20, 2020

Bong Its

credits: prison photography
Malayo sa aking tahanan, walang patutunguhan, malabo ang pagkatao't isipan. Kung ako'y nasaan, doon matao ngunit walang nilalaman. Sa aking tainga ay ang lumang awitin ang naiwan, awitin mula sa kababawan ng lupang tinatapakan na aking palang kakambal.


Wednesday, September 16, 2020

Planeta ni Sarah

credits: derek_ye
Isang malagkit na titig na naman sa larawan ng aking pinakamamahal. Araw araw akong gigising na nandito siya sa aking tabi kahit larawan lang naman talaga niya ang nandoon at unan lang naman talaga ang yakap ko't hindi siya, ni hindi pa nga napunasan ang natuyot kong laway sa mukha ay siya pa rin ang una kong inalala.



Thursday, September 10, 2020

Tubigan

credits: favim.com

Sa akin ay maniwala ka lang

Makakarating muli tayo sa tubigan

Paligid niya'y iyong pagmasdan

Iduduyan ng hangin sa nakaraan

Tubig niya'y muling hawakan

Kapayapaan ay muling makakamtan



Tuesday, September 1, 2020

Sulo

credits: TrekEarth
credits: TrekEarth
Maglalaho ang mga bituin ang mundo natin araw ay muling sasalubungin. Liwanag mo parin ang aking aalalahanin, ang liwanag mo na siyang nagbibigay ng buhay sa akin. Ikaw ang Sulo sa aking mga kamay, naghahatid ng liwanag sa aking daan. Alam ng Diyos kung gaano kita kailangan, ngunit tulad ng isang Sulo, kung gaano ka kaliwanag ay ganon lang din kabilis itong mamamatay. Sa ngayon, hindi ko alam kung ilang gabi't araw pa ang kaya kong salubungin na wala ka.

#TiktikKalawang




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.