Wednesday, January 29, 2014

Ang Paborito kong Teleserye


credits: all about paye
Magsisimula ang ating kwento syempre sa lugar kung saan rin tayo unang nagkita at nagkakilala. Sa CYA Bldg, isang taga HR, at isang aplikante na halatang hindi naman goal ang matanggap sa trabahong inaapplyan. At d'yan na papasok ang Majika ng unang pagdadaupang palad. Hiwaga ng unang tingin, ng makausap ka'y bumilis ang kabog sa dibdib. "This is it! Got to Believe." bulong pa sa sarili



Tuesday, January 28, 2014

Pagbabalik

credits: definitely filipino

Halos bumbunan na lang ng araw ang aking tanaw
Liwanag ng pamamaalam niya'y sadyang nakakapukaw



Wednesday, January 22, 2014

Saro


credits: image host
Totoo ang sinabi kong mamahalin ko siya habang ako'y nabubuhay. Mali lang siguro na sinabi ko 'yon noong hindi pa siya handa. Siguro nga, ako naman talaga ang hindi handa, walang trabaho, tamad mag-aral, at sa Bahala Na palagi inaasa ang bukas.



Tuesday, January 14, 2014

Para sa Aking Minamahal


credits: popular mechanics
"Welcome back!" masayang bati ng buong Pamilya kay Sheila. Naroon ang kaniyang Ama, ang kaniyang Ina, mga kapatid at maraming kamaganak. Maagang humaplos ang luha sa mga pisngi ni Sheila. Gusto niyang mayakap agad-agad ang bawat isa sa kanila ngunit kailangan pa nilang pilahan si Sheila na nakaupo sa de-gulong niyang silya.



Sunday, January 12, 2014

Matuto Kang Lumipad


credits: sulit real estate
"Hindi kayo ipapadala doon para magsayaw." biro ni Sir Adesana na bumasag sa pagiging tahimik at seryoso ng lahat sa loob ng orientation room. Kahit ang katabi kong inakala kong tipong mahinhin ay hindi nakapagpigil. Posturang-postura ang bawat isa sa amin dahil sa pagaakalang 'yon na ang araw na pinakahihintay namin. Mga salita ni Sir Adesana ang tanging nakapagpatigil sa pagtagaktak ng aking pawis ng sabihin niyang bukas pa malalaman ang results at doon na rin ang final interview ng mga papalaring mapipili sa amin.


Thursday, January 9, 2014

Ginikanan


credits: tourist heaven
Hindi mabilang ang magagandang tanawin at destinasyon ang nadaanan ng Bus na sinasakyan ni Ricky ngunit walang galak man lang na maaaninag sa kaniya. Katabi niya ang kaniyang Ama at tila California King Bed ang drama, 10,000 miles apart ang kanilang pagitan. Lalim ng galit ang dahilan ang dahilan kung bakit madadawit pa ang pride kung sakaling lilingon siya sa kaniyang katabi.


Kay Nena na Namumuhay Magisa


credits: artistiko design
Sa oras na inakala mong nilimot na kita, nilalabanan ko ang pangungulila at pagkasabik na muli kang makasama. Sa oras na maisip mong bigyang lugar ang pagmamahal ko sa iyong puso, ako'y malayo't nakaluwas na.

Hindi panghihinayang ang mga araw na ginugol upang pag-ibig mo'y makamtan. Hindi ako ang sisira sa mga ambisyon at pangarap ng isang tulad mong sa mga magulang ay naulila, at ang mundo'y unti-unti pa lamang nakilala.



Monday, January 6, 2014

Rosemoor


"Mahirap ang lumimot lalo pa kung ito ang ipinangako mong kailanman ay hindi gagawin. Paglimot sa minamahal, sa inyong mga alaala, paglimot sa inyong kwento, at kung saan nagsimula ang lahat. Parang paglimot na rin sa 'minsan mong pagiging masaya, paglimot na minsa'y may kumumpleto sa'yo, sa iyong pagkatao at sa iyong buhay."



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.