Sunday, July 29, 2012

Hula



Marapat nga bang pangunahan
Kapalarang sa atin nakaabang
Dapat bang alamin kalalabasan
Hindi pa man nagagawan ng hakbang

Napaisip rin ako sa katanungan
Katanungan na masasagot raw ng hula
Mayroon ba akong dapat asahan
Papalarin ba ako, 'o pait lang ang nagaantay

Hindi rin masisisi ang ilan
Kung nais nila nang malaman
Saglit na pagtanaw sa malayong daan
Lakbayin ay sukatin ang hangganan

Halina't alamin ang hinaharap
Alok ng manghuhula sa mataong daan
Ibigay sa akin ang mga kamay
Nakaguhit ang lahat sa malambot na palad

Hula, hula, bakit pa ginawa
Walang kasiguruhan, tyambahan, at bula-bula
Kung kaya mong ipakita nga ang tadhana
Ano't karamihan parin ngayo'y nangangapa

Mali nga't hindi tama
Silipin ang ating hinaharap
Gamitin yaring mga palad
Sa pagabot ng pinapangarap

Mabuhay sa kasalukuyan
Hamunin bawat pagsilip ng araw
Hindi mahalaga na agad malaman
Mailarawan, kapalaran ay mamasdan

Mahaba ang byahe ng buhay
Hanggang saan at kailan Diyos lang ang may alam
Maupo't dungawin sayang hatid ng kasalukuyan
Kusang maisusulat alamat ng ating paglalakbay


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 comments:

  1. okay ang atake ng mga salita... naalala ko tuloy ang manghuhula sa quiapo noon... madalas kasi akong magpahula noon... kahit alam kong hula hula lamang hehehe

    Mas magandang huwag nang alamin ang kapalaran... dahil si God lang ang nakaka alam kung ano ang mangyayari sa atin..

    Kata tagal na akong di nagpapahula...

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama sir Jon, mawawalan ng thrill kung alam na natin hehe :P

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin