Kailan nga ba dapat umibig? O handa ka na bang umibig? Mga katanungan na ikaw lamang ang makakasagot, base sa mga karanasan na dumaan sa 'yong buhay 'o kung paano ka nito pinalungkot, pinakilig, pinaluha, at pinasaya.
Ang pagibig ay hindi lamang isang laro, ang pagibig ay hindi dapat ginagawang laro at lahat naman tayo alam natin 'yan. However (ehem), may mga tao parin na hindi natin maintindihan kung bakit ba naging hobby na nila ang pananakit ng damdamin ng iba, umiimbento ng mga pangako na sa Payatas din naman ang punta, basura! Pangakong nabubulok at hindi maaaring magtagal.
Ako, ako, hindi ako yung tipong manloloko. Sa kabilang side po ako, ako yung madalas ay naloloko. Patunay d'yan ay kung bakit puro sawi ang tema at ending ng mababasa mong mga akda ko dito sa blog ko. Oo nga't umibig ako, hindi lang dahil naloko ako sa kagandahan ng mga binibining ito na minsa'y naging part ng buhay ko, naging kabiyak ng puso ko. Tunay po ang naramdaman ko, 'yun nga lang never humantong sa happy ending ang mga tambalang napabilang ako.
Ikaw saang side ka ba? Sa manloloko, o sa niloloko? Sigurado naman akong walang tao na gustong maloko. Kung may nanloko man sa inyo hindi ko sila masisisi sa ginawa nila, nagpaloko ka naman 'diba? Oo nga't ayaw mong maloko, pero dapat kasi maingat tayo sa bawat desisyon na ginagawa. Kapal ng mukha kong sabihin 'yon eh ako nga itong may world record na sa ganitong katangahan. Ang sa akin lang naman ay may mapulot kang aral sa mumunti kong salaysay.
"Ready na ba ako?" Dapat una palang ay naitanong mo na ito sa sarili mo. Kung oo ang sagot, ibig sabihin ay handa ka na hindi lang na umibig kundi handa ka nang tanggapin kung ano ang mga gagawin nitong pagbabago sa'yo, dapat ay handa ka nang malaman ang katotohanang hindi lahat ng relasyon forever happy ang tuloy. Magiging masaya ka, at masasaktan rin. Ngingiti ka, ngunit siguradong luluha rin. Imposibleng hindi 'diba? Mahirap ngang tanggapin ang katotohanan.
Kung malungkot ka lamang at nais mo'y may makasama, may magalaga, may makinig sa mga nais mong sabihin, at may yumakap sa buo mong pagkatao't mahalin ka ng totoo. Itext mo lang ako, este huwag mong isiping pagibig na agad ang sulusyon at kasagutan dito. Hindi dahil lang malungkot ka, pagibig na ang sasalba sa nararamdaman mong lumbay, baka mas masaktan ka lang at sa huli ang lahat pagsisihan.
Isang payo mula sa akin na laging puso ay sugatan kaibigan. Mula sa akin na palaging luhaan, haha. Magmahal ka kung handa ka na, hindi kung nalulungkot ka lamang at nangailangan ng pagmamahal. Nakapaghihintay naman 'yan, lumingon ka lang sa paligid, mahalin mo at tanggapin kung ano ang meron ka sa tabi mo. Pamilya, mga kaibigan, mga taong nariyan para sa'yo. Huwag tanawin ang pait ng nakaraan, huwag magpadalus-dalos sa mga desisyon na alam mo namang walang kasiguruhan.
Narinig ko lang rin mula sa isang kaibigan. "Love when you're ready. Not when you're lonely."
No comments:
Post a Comment