Martes, Enero 28, 2014

Pagbabalik

credits: definitely filipino

Halos bumbunan na lang ng araw ang aking tanaw
Liwanag ng pamamaalam niya'y sadyang nakakapukaw

S'yang kasaganahan ang hatid sa aming hanapbuhay
S'yang liwanag at bagong simula ang hatid sa ating buhay

Isang masaganang araw ang ngayo'y magwawakas
Sasalubungin ko ang aking Pamilya, ang aking Lakas

Sa kanilang mga mata, kasiyahan muli kong nasilayan
Sa aking puso't damdamin ay lubos na kaligayahan

Nais kong iparating ang aking pasasalamat
Sa pagkakabagsak ay unti-unti ng makakaangat

 Pasasalamat sa Itaas, sa kabila ng delubyo kami'y ligtas
Pasasalamat sa mga kapwa Pinoy na sa pagtulong ay bukas


 ~~ o ~~

Munting alay at pasasalamat sa Bantayan Back to Sea Project at mga sumusuporta para sa tauwaya kanilang kawang-gawa na pagtulong sa ating mga mangingisda sa Bantayan na naapektuhan ng husto ang hanapbuhay dahil sa bagyong Yolanda.





Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 komento:


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin