Kung minsan nga'y nakakasakit ang mga salita, ang ingay na kung saan lang nanggaling naman ay nakakairita. Ngunit totoo rin palang nakakabingi ang hindi mo kilalang katahimikan. Nakakapanibago, lugar 'yon ng pagiisa, nakatungtong ako sa lupa, maaliwalas na kapaligiran ngunit ako lang ang tanging taong nakakasilay non. Malayo sa maingay at malalamig na mga gabing akin nang nakasanayan.
Hindi ko naisip na isang araw ay ibubulong at aaminin ko pala ito sa aking sarili ngunit nakakalungkot ngang tunay ang pagiisa. Babagsak ang ilang natuyot na dahon mula sa mga punong naaawa ngunit 'di lang makapagsalita. Ang mahabang daan naman ay patunay na kailangan paghirapan ang bawat mong inaasam. Pero gusto ko ba talagang marating ang hangganan? Hindi siguro. Hindi ko pa nagawang magpaalam.
Hindi ako kayang itulak ng hangin, ngunit mayroon pa ba akong ibang pupuntahan? Maging ang mataas na damo 'yon ang tinututong direksyon na dapat kong sundan. 'Di magtatagal ay mararating ko ang nagliliwanag na hagdanan. Sayang, nangako akong babalik isang araw at hindi ko na pala 'yon maisasakatuparan.
Hiling ko na lang na kayang iparating ng mga ulap ang aking pasasalamat sa kaniya. Hiling kong kayang isigaw mula sa langit ang aking paalam at pagpapaalalang mahal ko siya. Tulad rin noong pinagbiyan niya akong sumakay at tuparin ang aking mga pangarap. Kasama ang pangakong hindi magbabago ang aking nararamdaman malibot ko man ang buong karagatan.
Sana masabi ko sa kaniyang dahil sa hindi pa 'man nagtatagal na lakbay at pakikipagsapalaran ko, ang naging pangarap ko na ay ang makabalik sa kaniya. Sayang hindi ko na muling mahahapols ang kaniyang mukha at sasabihing para sa akin ay s'ya ang lahat. Sa puso ko, siya lang ang nagiisa. At Hindi 'yon mababago ng kahit ano pang trahedya.
posted from Bloggeroid
Dapat capitl letter 'yung 'K' ng kaniya... hehehe... napaisip lang ako sa post na ito... may pinagdadaanan ka ba?hmmmm...
ReplyDeletesa title naman, naku ok lan kung walang masulat... diba nga, paliparin lng ang isip... dadapo rin 'yan...
meron hehe. sana nga makasulat ulit ako ng matino, hayok na 'ko. sana dumapo na sa wakas hehe ^__^
DeleteWalang maisulat? eh ano to? hahaha
ReplyDeletePartida na, wala pang maisulat yan, pano na lang kung meron?
hehe ou nga nu. pero wala kasing laman ang naisusulat ko. salamat sa komento kuya mar ^__^ sana magkaroon na.
Deletenaiparating na ng ulap ang iyong pasasalamat.
ReplyDeletebakit ganun. Pag ako walang maisulat wala akong post (madalas). Pag ikaw walang maisulat may post pa rin?
unfair. :)
ganun.. siguro dahil nabibigyang oras ko pa din ang perslab kahit walang wala na talagang laman ang isip ko hehe. salamat sa muling pagbisita idol ^__^
Delete