Lunes, Oktubre 23, 2017

Eskinita

credits: fred cipres
Sa lugar kung saan walang mga orasan
Hiling ko'y maaga akong masaktan
Sa gitna ng dilim na aking kinalagyan
Sana kamtaya'y 'di maging karumaldumal

Sampal ng reyalidad nais ko nang kamtan
Sana ako pa'y magising sana'y 'di pa ito ang 'hulihan
Emosyon ang usok na bumabalot sa'king kinaroroonan
Dasal na sana mga mahal sa buhay akin pang mabalikan



Sabado, Setyembre 30, 2017

Prom Premonition

savas
credits: ~majood
Huli na nga ako ngunit mas huli pa daw makakarating ang kasintahan kong si Ely. Malamang ay dahil sa walang kamatayang pagpapaganda. Matagal din kasi niyang hinintay at pinaghandaan ito, lahat para masiguradong sa gabing ito ay siya ang makokoronahang Prom Queen. Habang sa malalim niyang balatkayo, kamuntikan kong hindi makilala ang dati kong kasintahang si Jenna. Pero bakit pa nga ba ako nanibago? Ganito naman talaga siya ka weirdo, isang babaeng mahirap basahin, at tila may sampung pagkatao na kaya niyang iharap sa mga makakahalubilo.



Huwebes, Hunyo 15, 2017

Angkas

credits: aliexpress
Sa aking lakbay, pinipilit ko pa rin ang makahabol sa takbo ng ating buhay. Sinusunod ang mga konseptong patakaran ng isang pamayanan na naghahalo ng tama at mali sa hangin ng kamaynilaan. 'Di isinasaisip ang mga kwentong at pangyayari na maaaring naganap kung ako'y huminto't pinagbigyan ang iyak ng sumasakit na likuran.



Sabado, Oktubre 8, 2016

Katuigan

credits: elke & isabel matthaus
Araw (Si Sunsihine)

Tirik sana ang araw ‘sabay sa oras ng ‘yong paguwi ngunit kulimlim ang sayo’y bumulaga. Biglang itutumba ka ng inakalang mong maayos na hakbang. Niyayanig na pala ang tinatapakan mong lupa bilang ganti sa kasalanang ‘di namalayang nagawa. Hahagupitin ng kalamidad na akala mo‘y normal lang at agad ding lilipas, unos na palang idinulot ng masarap na pagkakamaling namamahay sa kamalayan ng lahat, sayo’y inisp mong sumpa ng pangangailangan.


Huwebes, Mayo 5, 2016

Isang Party Sa Aking Panaginip

credits: dandre brooks
Gutom na ako't tila wala pang balak magpakain sa dinaluhan kong party...

"Kapag may nanalo na daw sa kanila, makakakain na tayo, 'tapos daw ang gutom natin. Hindi na ako makapaghintay." bulong ng katabi kong nakasagap sa kalam ng aking tiyan, sabay nguso niya sa palarong Trip to Jerusalem na nagaganap sa gitna ng kasiyahan.



Martes, Mayo 3, 2016

Just What If?

credits: roundy
What if I never did go out that night?
What if I never scowered that bar?

What if I never bumped into you?
What if I never did apologize?

What if I never asked you your name?
What if I never looked in your eyes?

What if I never had that endearing chat with you?
What if I never felt that wonderful feeling?



Martes, Enero 5, 2016

Kaltok


credits: jeremy mann
Kahit matagal na, sariwa pa rin sa alaala kung sino't kailan ang unang pag-ibig, unang halik, at unang pananabik na ibigin ring pabalik. Hindi pa naman pala ako ganoong katanda, dahil may mga una pa rin palang maaaring mangyari. Tulad nitong unang pagsalubong sa bagong taon sa gitna ng ulan. Unang pagkakataong ang ulan ay nasaksihang bumuhos sa dulo't mitsa ng magbubuklod na mga taon.



Biyernes, Nobyembre 13, 2015

Ha Ha Ha



credits: lucy paton
Ginawa ko ang lahat ng sinabi ko. Na handa akong hamakin ang lahat. Handa akong lumakad gaano man kahirap. Na handa akong lumublob, umakyat, at magtiis gaano pa man kahirap para lang marating ang lupang kasing taas mo. Baon lang ay ang pangako sa sariling huli na iyon.


Miyerkules, Setyembre 23, 2015

Bangon na Juan!

credits: chuacharlene
Bumangon ka Juan
Ang higaan mo'y iwan
Diwa ay buksan

Bagong umaga
Sa'yo ay naghihintay
Hamunin siya

Katawang pagod
Kung para sa pamilya
Handang isabak



Miyerkules, Agosto 12, 2015

Saro 2


credits: lester mirabueno
Tulad ng inasahan ay doon ka nga dumaan at agad mo akong natanaw. Walang maitutulad sayo'ng kagandahan kaya sana'y alisin na ang pangamba't takot sa iyong mukha. Huwag kang magalala, ito na ang huling pagkakataong sarili ko'y sasaktan.

Isuot na sanang muli ang saya sa iyong mukha. Sayang naidudulot ng pagiisip na natanggap ko na ring ang pamamagitan natin na'y nagwakas. Maging masaya na lang para sa akin, dahil katotohanan ay kaya nang harapin. Nandito lang ako, makikinig, magaabang. Dala lang ay pagasang alam kong matagal mo nang sinukuan.




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.