Wednesday, March 14, 2012

Ulan



Kumakaway na mga halaman
Sa hangin na'y nais magpatangay
Nagdidilim na kalangitan
Matinding galit sinong may kasalanan?

Nagbagong ihip ng hangin
Nagpapabigat sa bawat kong hakbang
Nanlamig na pakikisama
Sa napiling gawin hindi na napigilan

Nagtatanong kong mga mata
Hindi na nabigyang kasagutan
Mabigat na pinapasan
Ulap na nais ibuhos ang luha

Iniwan sa malabong dahilan
Lumisan na hindi nagpapaalam
Pag-ibig mo na parang ulan
Hindi pala magtatagal ay titila

Sumikat man ang araw
Mananatiling 'di malinaw
Ang unos man ay humupa
Mananatili pag-agos ng luha

Sa isang iglap ma'y nawala
Sa iyo parin ay titingala
Pag-tingin ko't pag-hanga
Kailanman ay di mawawala

Nilisan man sa malabong dahilan
Pag-ibig ay 'di napagbigyan
Ang pag-ibig ko sa'yo na parang ulan
Maaaring iwasan ngunit 'di mapipigilan


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

6 comments:

  1. Mukhang hindi ata napost ang aking naunang komento. What I just want to say is that, I really like this poem. I like the choice of words and I like the way the writer uses the rain to explain his feelings and how it (the rain) expresses the love he felt at the moment.

    Keep Writing!

    ~PP
    www.akosipadrepio.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Padre sa magandang komento! :P


      ~BP

      Delete
  2. Laging salik ang ulan sa ating damdamin. Kung gaano kalaki ang naitutulong nito sa pangkalahatan ay talaga namang may koneksiyon ito sa ating buhay. Gaya ng pag-ibig na ipininta sa tulang ito.

    Parang ulan, maaaring iwasan pero hindi kayang pigilan. Dumarating kapag ayaw mo nang mabasa, dumarating kapag basang-basa ka. Sala sa init, sala sa lamig pagkaminsan ang pag-ibig.

    :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka dyan sir J.

      Pasensya na po kung hindi ako nakasali sa KM3.Dahil masyadong busy, isang araw lang kasi pasensya na.

      Delete
  3. wow mukang may pinaghuhugutan ito :)

    ReplyDelete
  4. nahugot lang kung saan yan ;p

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin