Sunday, March 25, 2012

Sa Bintana



Naramdaman mo rin ba? O pakiwari ko lang dahil nagkakaidad na rin ako? Parang napadaan lang ang bagong taon at hindi ko naramdaman ang ligayang dati-rati malayo pa'y naipaparamdam na sa akin ng paparating na pasko. Previous year thriller ang naging christmas ipinakilala mo agad ako sa mga magulang mo bagay na akala ko ay malabong sumampid sa To Do list mo. Sobrang kabado ko 'di ba? Parang ang feeling ko nga non sa harap ng magulang mo kinakapalan mo lang rin ang mukha mo. Ganon lang pala kayo magkulitan mababait sila at napaka close ng bonding n'yo. "Pang ilan ba akong pinakilala?" Tanong ko sa'yo nung naglalakad papuntang simbahan na tayo. May mali ba sa naitanong ko? Parang robot ang pag-baling ng ulo mo sa akin dala ang hanep na pagtitig ng naging pa-intsik mong mga mata na nagsasabing "Ganyan ba tingin mo sa akin!?" Sabagay, wala naman sa tipo mo yung magbibilang ng magiging boylets.

Balik skwela nanaman. Paano makakapag adjust ang mahiyain na si ako ngayong in a relationship na tayo. It was magical however sino ba naman ang magaakala, akala ko rin e hanggang tingin nalang ako sa'yo. "Sabay tayo papasok ah?" Text mo sa kabadong si ako na nagmamadaling gumayak dahil dadaanan ka pa pala sa inyo. You're so beautiful bagay na bagay sa'yo ang uniform na ngayon ko lang nakitang suot mo. Ang kuripot kasi nating school ilang buwan na nabayaran inabot pa ng bakasyon ang deliver ilang buwan rin tayo palaging naka civilian 'di ba? Ngayon sinong magaakalang studyante ka. Parang office girl lang na nagmamadali dahil mahuhuli na sa work.

"Uy kayo na!?" Bungad sa atin ni chenny nung sumakay tayo sa jeep, may pag congrats pang nalalaman. I wonder kung anong binulong mo sa kaniya coz she gave me a smile saying "Nice". Ingatan daw kita wika pa niya.

"Nakausap mo na si Reyman?" biglang tanong mo sa kalagitnaan ng katahimikang nanaig sa ating dalawa sa loob ng jeep. Tama ka, muntik ko na rin malimutan si Reyman ang bestfriend ko nga pala ang huling boyfriend mo at hindi pa nagtatagal mula noong mapabalitang naghiwalay kayo. Parang ansama ko namang kaibigan kung hindi ko ipapaalam sa kaniya ni wala nga s'yang malay na may pagtingin ako sa'yo kahit nung kayo pa. Hindi rin naman s'ya maboka pag dating sa babae, 'yon nga yung malaking naming pagkaka pareha ang kinaibahan lang siya madalas meron ako naman ay salat. "Tataymingan ko nalang" Mahinang sagot ko sa'yo. Hindi kasi ako sanay na mag open sa kaniya ng ganyan. Maiintindihan naman siguro ni Reyman. "Nagdadrama" Sabi mo sabay tawanan nyong dalawa ni chenny. Nakakahiya ang sinabi ko buti nalang bumaba na ang ibang mga pasahero. 

"I'm scared looking at you. Coz the more i do the more i fall for you".Sa bungal na bintana ng inyong silid malapit kung saan nakaupo ka. Tinititigan kita, habang tinititigan ka lalong hindi makapaniwala na sa wakas ay napa sa akin ka. Masarap maging single lalo na nung nalaman kong single ang crush ko ikaw sino pa ba? Pero alam mo kung anong masarap don? Yung sinabi mong single ka dahil ako lang naman talaga ang hinihintay mo. Bakit nga ba ako natatakot mapalapit sa'yo kung ikaw naman talaga ang gusto ko? T@NGA KO!. Masyadong malakas kung isigaw ng puso ko ang pangalan mo natatakot akong lumapit dahil nga baka marinig mo, and would sound nothing lang para sa'yo.  

Hindi ko pa pinasukan ang last unit ko para maaga kang mapuntahan. Ansama makatitig ng maestra mo, kaya umalis muna ako sa view na makikita niya ang nakakairitang si ako. "Sa baba nalang kita aantayin" Senyas ko sa'yo.

Hindi lahat ng dapat ay pwede at hindi lahat ng sana ay mangyayari. Naisip ko lang napaka swerte ko sa'yo dahil pwede rin pala kailangan lang e tiwala sa sarili ko.

Pauwi na tayo non kasabay ng malakas na ulan ay sambakol ang mukha mo na tila hindi masayang kasama ako. Natakot akong tanungin kung anong problema o may nagawa bang mali si ako. "Ankyut mo parin kahit naka simangot" Biro ko pero irap imbis na na ngiti ang sinalo ko mula sa'yo. Tumanggi ka pa nga na ihatid kita hanggang sa inyo. Ilang araw ka ring hindi nagtext sa akin mula noong araw na 'yon inisip nalang na may pinagkakaabalahan ka o kailangan mo ng kaunting oras kaya ganito. Almost three weeks palang kasi tayo kahit ako nga ay naninibago "Just don't forget i'm here when you're ready" Huling text ko sa'yo dahil mauubos lang ang load ko na walang reply mo.

One week ang nakalipas January 28, 2009 'yon dating gawi sa tapat ng bintana ako'y nagpakita. Para atleast aware ka na hihintayin ko matapos ang last subject mo ngayon. Bumaba na ako para hintayin ka at sa wakas ay nagvibrate ang cellphone ko.

"Wag mo na akong intayin" Text mo sa akin.

"Bakit?" Tanong ko

"Basta dahil kay Reyman" Sagot mo

Sa totoo lang hindi ko naintindihan ang ibig sabihin mo nung mga oras na 'yon dahil kung nakakaya mong hindi na tumawa sa joke ko na ginasgas na ng panahon bakit di mo magawang hindi na malungkot sa taong nakalipas na rin sa buhay mo?. Eksaktong dumating ang kaibigan kong si Reyman non ipinaliawanag ko sa kanya ang lahat. Hindi bale na kung masayang ang matagal na pinagsamahan naming dalawa. Sinabi ko sa kanya ang lahat, na tayo na ngayon kaya tigilan ka na niya. Awa ang naramdaman para sa akin ng kaibigan, napailing at sinabing "Hindi naman kami naghiwalay. Hinihintay lang pala niyang sa'yo ko pa malaman na ikaw ang ginamit niya para maka ganti sa ginawa ko"

"I'm scared looking at you, even just to see you. Coz when i do i remember i'm fooled by you".

Sa sirang bintana ng inyong silid malapit kung saan nakaupo ka. Ayokong mapadaan at makita ka dahil maaalala lang ang nakaraan. T@NGA KO! nagpagamit ako sa'yo.


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin