Kung effective lang sana ang pinausong sayaw ni Sarah at John Lloyd para magpakawala ng tubig ang mga ulap, magdamag ko na lang na sasayawin 'yon kesa pumasok, yung tipong ako na rin ang gagawa ng paraan para tamarin ang lahat. Wala na rin kasi akong pera, isang linggo pa bago ang sunod na padala. Kung hindi man pambayad utang ang mahahawakan kong pera, kailangan kong ipunin at itabi 'yon, hindi para sa kinabukasan kundi para sa special project na siguradong papakyawin ko bago matapos ang markahan. Isipin ko palang nasa akin na ang lahat ng rights para tamarin sa dyahe kong buhay.Friday, March 22, 2013
Anader Korni Story
Kung effective lang sana ang pinausong sayaw ni Sarah at John Lloyd para magpakawala ng tubig ang mga ulap, magdamag ko na lang na sasayawin 'yon kesa pumasok, yung tipong ako na rin ang gagawa ng paraan para tamarin ang lahat. Wala na rin kasi akong pera, isang linggo pa bago ang sunod na padala. Kung hindi man pambayad utang ang mahahawakan kong pera, kailangan kong ipunin at itabi 'yon, hindi para sa kinabukasan kundi para sa special project na siguradong papakyawin ko bago matapos ang markahan. Isipin ko palang nasa akin na ang lahat ng rights para tamarin sa dyahe kong buhay.Wednesday, March 20, 2013
Wednesday, March 13, 2013
Nakausap Ko Si Lola
Narinig ko ang boses niya. Ano raw bang meron sa dagat at hilig na hilig ko itong pagmasdan? Sabi ko naaalala ko po kasi si Ria."Hindi siya biglang aahon sa dagat."
"Alam ko po Lola."
"Dapat ay isinumpa ko na ang lugar na ito Lola. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit binabalik-balikan ko pa rin ang ating probinsya?"
Sunday, March 10, 2013
Ang Pagtatapos
(ANG PAG-ALALA)Walong taon na ang nakalipas, walong pasko, walong bagong taon, at walong kaarawan ni Carlos ang nagdaan na wala si Paul sa tabi ng kaniyang anak para kahit sa pinaka simpleng paraan ay mayakap at masabi kung gaano niya itong kamahal. Naalala niya noong iniwan niya ang bansa at ang kaniyang mag-ina, wala pang kaalam-alam ang anak niyang si Carlos non na mula sa araw na 'yon ay matagal silang hindi magkikita.
Monday, March 4, 2013
Liham sa Kaunting Siwang
Umuulan na naman ng mga ala-ala sa aking isipan, katabi ko ang punong ibinabagsak ang mga lanta n'yang halaman. Nasaan ka kaya ngayong isinusulat ko itong liham? Liham na siguradong sa basurahan din naman ang punta dahil maging hanggang ngayon ay kulang pa rin sa tapang upang maiabot sa'yo ng harapan. 'Di bale iiwan ko na lang dito sa kaunting siwang ng malaking bato kung saan tayo noon madalas na tumatambay, baka lang sakaling isang araw ay maisipan mong balikan ang ating tagpuan.
Subscribe to:
Comments (Atom)
