May mga oras na alam mo na ang gagawin mo sa isang sitwasyon. Common Sense ang ginagamit natin kadalasan kahit marami paring Pinoy ang hindi makaintindi nito.
Habang tayo'y umeedad maraming nasasaksihan ang ating mga mata, marami rin tayong pangyayari na nararanasan, at kilos na nasusubukan Experience ika nga.
Noong nag two-timer ako malas dahil nabuko ako. Sinubukan kong makipagbalikan sa babaeng halos isumpa yata ako, ang sinalo ko lang na masakit na salita sa kaniya ay "Hindi na'ko magpapaloko sa'yo. I won't fall twice on a same trick." What!? Bakit niya nasabi 'yon? Mukha ba akong buyoyong na nagbibigay ng mga magic tricks? Hindi. Nasabi niya 'yon dahil alam niya na lolokohin ko lang naman ulit siya. She just know it. So How did She know, that She know, that her mind knows, that it knows? Simple, dahil minsan niya naranasang lokohin at masaktan sa kamay ko. Aruy! Kabisado na niya ang karakas ko.
Isang araw nang magpunta ako sa panaderya ni Aling Maria. Pag tungtong ko sa mataas na baitang at matanawi siya. Dalawang gulong nga d'yan, tsaka isang mountain bike! Malakas kong sigaw sa nanonood ng teledrama na si Aling Maria.
Hindi naman junkshop ang pinuntahan ko pero hindi nagulat si Aling Maria sa mga ninais kong bilhin. Alam na kasi niya na araw-araw maasukal na donat at malamig na mountain dew ang minimerienda ko pagsapit ng alas-dos sa panaderya niya sa baba ng eskwelahan.
Paano nalaman ni Aling Maria? Kasasabi ko lang ah? She just know it. Dahil alam na niya ang ugali kong gawin tuwing breaktime ng alas-dos that's How She did know, that She know, that her mind knows, that it knows. Pumipitik sa brain cells niya ang ideya na ihanda na ang paborito kong meriendahin kapag nakita niya akong papalapit na sa panaderya niya.
Hindi ko rin balak guluhin ang utak mo. Ang nais ko lang ay mailahad ang pagkakaintindi ko sa tanong na "How do you know, that you know, that the mind knows, that it knows?" So now you know what's my view about it.
Oo nga pala. Isang napaka ganda at sexy na chick ang dumaan sa harap namin isang araw nang nagmemerienda ako sa panaderya ni Aling Maria. Kinalabit niya ako at sinabing "Hijo, chickas oh!"Kinurot pa ang balakang ko nitong si Aling Maria. Pag lingon ko pa ay may kakaibang ngiti na ipinahihiwatig ang mukha niya. Hala! Kabisado na niya ang taste ko!
No comments:
Post a Comment