Gusto ko lang ishare ang para sa akin eh pinaka parang achievement ko, at kahit gabuhok lamang ang mga ito kumpara sa mga naisusulat ng ibang Writers eh proud ako na naisulat ko ang mga ito. Ito yung tatlong akda na tingin ko eh pinaka naisulat ko na maayos, hindi maganda, baguhan lang naman ako habang buhay haha. Gusto ko lang ishare, yun lang, mula ito sa iniwan nating taon 2012. Naway magkaroon pa ako ng marami-raming gatas tulad noon upang makasulat muli ng malaya, yung hindi pinipilit, damdamin ang s'yang nagdidikta.
_____________________________
Nung sinulat ko ito breaktime ko sa trabaho, nandun ako sa kubo kung saan pinapatambay ang mga nagaapply sa company nakitambay ako sa kanila kasi busog pa naman ako andami kong inalmusal nung umaga non. Mukhang uulan non kaya paglabas ko ng selpon ko 'ulan agad yung una kong sinulat sa drafts. Kakabreak lang namin ni ****** dahil daw nawawalan na ako ng oras sa kaniya, ayun... Ni-relate ko dito yung ulan sa pamamagitan ng tula, okey yung resulta, madramang makata ang datingan, naging Literary Tools yung ulan.
Ito namang tula ng paghanga sa loob ng shuttle ko to sinimulan at ipinagpatuloy nalang sa bahay, kilig-kilig kaya masasabing inspired ako nung sinulat ko ito, nakatabi ko kasi s'ya nun eh, at siya pa ang nagsabing dun ako tumabi sa kaniya ^__^ yun lang hindi kami nagkaroon ng happy ending pero okey na sakin yung naging close kami bago pa siya mag-endo. Nagulat din ako kasi biglang tumaas ang views sa tulang ito, ewan ko ba kung maganda talaga, o madami lang hits dahil marami ang naghahanap sa Google ng tula patungkol sa paghanga.
Ito namang salamin. Katas ito ng sumagi sa isip kong ideya, ang ideya ay "Taong Sumasalamin sa Isa't-isa". Sinimulan ko ito na hindi alam kung paano tatapusin, siguro yun mismo ang nagpaganda sa takbo ng kwento, dapat kasi isang Sulat lang ito nadugtungan ko para maging isang maikling kwento. Hindi mataas ang views pero para sakin ito yung Maikling Kwento na pinaka nabigyan ko ng buhay. Oo nga naman, anong buhay eh ang lungkot-lungkot nung kwento? Ewan ko ba ang ibig ko lang sabihin itong Kwentong ito ay buong buo para sa akin, laman nito yung mga dapat taglayin ng isang Maikling Kwento.
_____________________________
Sana lang ay makasulat pa ako ng maayos, hindi sana maubusan ng ideya ang kokote kong kakarampot. Hindi sana ako maging sabaw this year. Nagpapasalamat din ako dahil nagkakaroon na rin ako ng mangilan-ilang viewers. Hindi ko naman hinahangad yung makilala, okey na sakin yung nagba-blog ako para magawa ang hilig ko. Salamat po ulit sa lahat ^__^
basta masaya ka sa ginagawa mo yun ang mahalaga, hirap kaya gumawa ng maikling kwento ehehe. susubukan kong basahin yung mga binigay mo sa taas kapag libre na ako sa trabaho.
ReplyDeletetama, walang makakapigil tuloy ang kwento hehe.. salamat sa pagbisita sir rix ^_^
Deletewalang ano man po. finallow na rin kita para mabasa ko yung mga short stories mo :)
DeleteSaka tuloy tuloy lang... para sa akin magaling ka na ^_^
ReplyDeletekaya sulat lang nang sulat....
Na curious ako sa Salamin... basahin ko yan next day ^_^
Keep on writing!
salamat sir jon ng marami.. sana katulad mo magkapublish rin ako ng libro.. kaso hindi ko pa yata kaya ang gumawa ng serye..
DeleteJon ganda nung salamin. basahin mo ahahaha.
Deleteyay! baguhang baguhan ang pagkakasulat ko d'yan tol rix.. buti nalang at may maayos na twist ^_^
DeleteTuloy lang ang pagsulat. Nakakainggit na nakakapagsulat ka kahit sa break sa trabaho. Sana ganun din ako.
ReplyDeleteParang alam ko yang trabaho na may shuttle bus ah.
tula lang kasi 'yon idol red, nageemote lang at nagpapaka makata.. mahirap talaga kung kwento, pinagpupuyatan ko yan hehe..
Deletesaan ga? hulaan mo?.. ^_^
sabi nila yung mga taong kwela, masayahin, mga bright ang outcome sa buhay eh syang malalalim sumulat ng mga seryoso at sad posts?
ReplyDeletenawa'y iyong pag-igihin at palaganapin ang iyong matatalinghaga at malulungkot na panulat sa iyong pahina.
Parang nawala yung comment ko dito? or for approval pa? Followed ko na blog mo :)
ReplyDeletewala sir Archie eh, duon lang merong comment sa pluma... salamat po sa pag follow.. follow ko din po sa'yo kaso 'di pa kayang iload ng mobile (toinks) hehe ^_^
Delete