Sunday, April 22, 2012

Tula ng Paghanga



Nabusog ako noong sabihing lilimutin ka
Kinain ko lahat ng aking salita
Sisimulan ko sanang limutin ka
Noong maisip ka, ngiti bumalik sa aking mukha

Noong sa harap ko'y dumaan ka
Anghel ay nangalabit, wari'y pinasusundan ka
Noong sa akin pa'y ngumiti ka
Puso kong tuliro ay kakaba-kaba

Sa tuwing makakatabi ka
Parang langit sa akin nagbukas na
Noong binati mo't kinausap pa
Damdamin ay naguumapaw ang sigla

Pag-ibig ang aking nadarama
Malaking paghanga sa 'yong ganda
Sa puso't isipan na'y nakapinta
Darating ang araw para sa'ting dalawa

Sa panaginip ko mananatili ka
Sa pagmamahal ko makakaasa ka
Ito ang aking tula ng paghanga
Para sa iyo lamang nilikha

Kung sana'y may lakas ng loob lang
Matagal nang inamin lihim na pagsinta
Kung hindi pa tayo noon nagkabangga
Hindi makikilalang lubos ang isa't-isa

Pinulot ang nahulog na aklat
Nagpaumanhin sa hindi ko pag-iingat
Pagkakataon ko'y hindi pinalagpas
Puso kong nahulog sayo ay isiniwalat

Ito ang tula ng aking paghanga
Kung saan pag-ibig ko ay naitala
Ito ang tula ng paghanga
Larawan ng ating naging simula


Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

10 comments:

  1. Pag ibig nga naman! Mukhang may pinaghugutan ah hehehe....

    Mahirap talagang limutin kung talagang nagmamahal ka... lalo na kung nabibigyan ka ng chance na malapitan o makatabi man lang siya...

    ReplyDelete
    Replies
    1. inspired nga nung isinulat ito hehe.. hayy medyo matagaltagal narin ^__^

      Delete
  2. Replies
    1. heheh salamat sa pagbasa busyokoy ^__^

      Delete
  3. mukang ngang inspired ehehe.. kaso sayang kasi sabi mo naudlot yung possible na keme ehehehe.

    ReplyDelete
  4. Anonymous14:29

    ganda

    ReplyDelete
  5. Anonymous14:30

    John Mark Colona PAra sa ating mineski nakaka inspire hooooooooooooooooooooo paki po sa kanya

    ReplyDelete
  6. salamat po sa inyong pagbisita. ^___^

    ReplyDelete
  7. Anonymous18:58

    Ang gandabpo nakakainspire

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you. Nakakainspire din po na may nakaka appreciate ng aking tula .

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin