Lunes, Disyembre 31, 2012

Naririnig Mo Pa Rin Ba?



Sigaw pa rin ng puso ko ang iyong ngalan
Naririnig mo pa rin ba?
Pag-ibig na para sa'yo lang at walang iba
Laman ng damdamin simula pa noong una

Wala paring kapantay ang mapagmasdan ka
Gusto kong haplusin ang maganda mong mukha
Malabot na mga kamay mo ay mahawakan
At damhin muli ito kahip pa panandalian

Luha mula sa mata'y nais kong punasan
Nais kong muli na maging iyong sandalan
Ibabalik ang ngiti at kasiyahan
Lalagpasan kung anuman ang pinagdaraanan

Hindi ko ginusto ang ika'y iwanan
Sadyang may guhit ang tadhana na 'di maiiwasan
Ganon pa man ay hindi ka nagiisa
Mananatili akong nasa tabi mo, makakaasa ka

Mananatili ang pangako na hindi ka pababayaan
Mananatiling tapat sa ating pinagsumpaan
Ngunit hindi kailangang mapako ka sa nakaraan
Ipagpatuloy ang buhay na sa damdamin ay may kalayaan

Naririnig mo pa rin ba?
Noon pa man ang ginusto ko ay ang maging masaya ka
Sakit na dulot ng kahapon ay kalimutan na
Panahon na upang hanapin mo ang 'yong ikaliligaya



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin