Monday, December 31, 2012

Bagong Taon sa Pinas



Taun-taon tumatalon ang mga pinoy
Umaasang tatangkad kahit edad ay paurong
Laman ng kalsada ay mga pinoy na nagtatatalon
Humihiyaw kahit kinabukasan pa ay mapaos

Aakalain mong may magluluto sa labasan
Mga takip ng kawali ay ginagawang pompyang
May bitbit pa ngang kasirola ang iilan
Pinupukpok ng sandok para gumawa ng kaingayan

Rinig din ang tili ng mga baklang nagdaraan
Takot sa paputok na nagkalat sa daraanan
Ang mga babae ay pinepeke pa ng ilan
Agad namang tatakbo at hahanap ng matataguan

Hayan at ang sinturon na ay sinindihan
Panonoorin ito hanggang maubos sa kadulu-duluhan
Mga tao pa nga ay nagpapalakpakan
Ang mga bata naman ay nagsisitalunan

Sisimulan na ng lahat ang countdown
Habang nagaabang sa ipapakitang pailaw ng kalangitan
Amoy ang baho ng paputok kahit pa saan
Magtatalsikan pa ang watusi sa iyong paanan

Tumotorotot ang mga musmos sa labas ng tahanan
Gamit ang luces sinusulat sa pader ang pangalan
Happy new year! ang bati sa'yo ng kapitbahay at kaibigan
Binabahagi ang medya noche at nakikipag palitan

Ang fountain na kanina pang inaabangan
Sisindihan na ng kapit-bahay na mayaman
Mga tao ay nagaabang na sa ibubugang pailaw
Ang lahat ay may ngiti at nagkakasiyahan

Sa labas ay wala paring tigil ang putukan
Ang panibagong taon ay atin nang napasukan
Laging sabi ng pinoy "Bagong taon. Bagong buhay"
Hatid nito'y pagasa sa ating lahat



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 comments:

  1. Anonymous17:19

    Tita blind pwede ko ba itong e post sa magazine ng auntie ko?

    ReplyDelete
  2. syempre naman.. sige lang hehe ^_^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin