Sunday, September 23, 2012

Sa Lilim ng Pag-ibig



Taimtim ang kapanahunan sa tanauan
Dinig ang mga ibon na nagdaraan
Sa ilalim ng punong narra na ating tambayan
Tinanaw ko ang makulay nating nakaraan

Bulong ng hangin ang kapayapaan
Pagaspas ng dahon buhay sa kamalayan
Sa pagsandal ay parang napadpad sa kalangitan
Sa pakiramdam ay tunay na kay gaan

Sanyong kay tagal kong hanap-hanap

Sa lilim ng pagibig na ating tambayan
Kung saan magkasama tayong nangarap
Kung saan tunay na pagibig ay nahanap

Malumanay ang daloy ng ilog sa 'di kalayuan

Pagdinig sa kaniyang agos sukli ay kaginhawaan
Napapangiti nalang ako ng biglaan
Habang pikit-mata kong pinapakinggan

Tinig ng kalikasan ang s'yang dumuyan

Pagibig sa isa't-isa ang naging sandalan
Doon sa natatangi nating tagpuan
Kung saan habang buhay ay pinagsumpaan

Tila wala na ngang hangganan

Ligayang hatid sa akin na muling maranasan
Masasayang alaala naroon lang at nagaabang
Nakalipas na sa puso ay muli kong hinagkan

_____________________________



Hindi kailanman nainip na sa'yo ay magantay
Matapos ang eskwela ay doon tayo tatambay
Sinasadya lang na minsan magpahulit't magpahintay
Para 'di mahiyang iabot bulaklak kong alay

Kagandahan ang iyong taglay
Ang mahika mo sa akin ay tumangay
Ang ngiti ng mata mong mapupungay
Gumising sa puso kong dati-rati'y matamlay

Inukit ko pa nga sa ugat na matibay
Sa loob ng iisang puso naroon ating ngalan
Nahiya pa nga ako't dali-dali kong tinakpan
Nahuli mo parin, mabuti at iyong nginitian

Doon ko ipinagtapat ang nararamdaman
Salamat at 'di mo hinayaang masayang lang
Pagtingin ko at paghanga sa iyong katauhan
Damdaming sa'yo ko lamang naramdaman

Sa akin nga ay wala nang mas mahalaga
Makasama ka'y kukumpleto na sa gabi't umaga
Wala na akong hahanapin pang iba
Ikaw na ang nais kong makasama

Salamat at iyong napagbigyan
Pagkakataong pagibig ko'y mapatunayan
Saksi ang mga ulap na manlalakbay
Sa araw na tinupad mo, tangi kong pangarap

_____________________________

Ilang minuto nalang ang ipaghihintay
Ang araw na sa atin ay magpapaalam
Ang liwanag na sa mata ko'y dinadampi niya
Pagasa na s'yang sa akin ay nagpapalaya

Takipsilim na, tayo ay nasa kaniyang palad
Sa lilim ng pagibig na ating muling binalikan
Kamay mo ay hawak ko parin sa akin
Sa aking balikat pagmamahal mo'y sandal mo parin

Hindi mo na kailangan sa akin ay sabihin
Dama kong tulad ng dati, mga puno ay kumakaway sa atin
Ang mga pilapil, alam kong pasasayawin ng hangin
Tulad natin, 'di magbabago tema nitong tanawin

Huwag mo na ngang masyadong isipin
Magpapaalam ang araw ngunit bukas ay babalik rin
Katulad ng hiwagang mananatili sa tanawin
Gigising ako sa umagang ika'y mahal parin

Hindi mo kailangan pang alalahanin
Ang trahedya na nagdulot nito sa akin
Ang mahalaga tayong dalawa ay narito parin
Sa silong na kasiyahan ang idinudulot sa atin

Salamat, sa ating sumpaan 'di ka bumitiw
Bulag man ako ngayon't dilim ang paningin
Sinariwa mo sakin sayang dala ng alaala natin
Pinakita mong muli ganda at kulay na hatid nitong tanawin

Sa lilim ng pagibig na nagsilbing tagpuan natin–

~~ o ~~

Ang tulang ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 4


Inilunsad sa pakikipagtulungan ng


Maraming salamat sa ating mga sponsors:




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. Replies
    1. thanks po sir bagotilyo ^__^ medyo taliwas po yata sa tema pero oks narin subok lang naman.

      Delete
  2. Goodluck sa entry... nagustuhan ko ang part na ito

    Tila wala na ngang hangganan
    Ligayang hatid sa akin na muling maranasan
    Masasayang alaala naroon lang at nagaabang
    Nakalipas na sa puso ay muli kong hinagkan

    --- sarap isipin hehehe magaling... para sa akin maayos ang pagkakasulat sa tula... tagos sa puso...

    ReplyDelete
    Replies
    1. wow heheh salamat po sa magandang puna ^__^

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin