Ito na nga ang libreng oras ko upang makasulat ngunit bakit wala akong maisip na pwedeng maisulat?
Teka, paano nga ulit sumulat? May katanungan na pilit kong tinatanong sa aking sarili, dati ay hindi naman ako ganitong hirap para lamang sa kapiranggot na ideya, ideyang maaari kong lapatan ng isang storya na matatawag kong aking obra.
Ngunit bakit tila nawawala yung siklab ko sa pagsulat? Oo nga't hindi naman mahalaga sa akin kung magugustuhan nila ang maisusulat ko o hindi. Ang problema, para bang mismong ako ay hindi na kuntento sa mga nagagawa ko, para itong drawing na walang kulay, tila mundong pinilit kong tinitignan bilang masayang paraiso kahit wala naman ditong namumuhay para makita ang kagandahang taglay nito.
Paano nga ulit sumulat? Kailan ko masasagot ang katanungan? Kailan ako makakasulat ng tulad dati. Kailan dadampi sa isipan kong ang ideyang masarap ihabi.
No comments:
Post a Comment