Sunday, September 9, 2012

Tuloy ang Lakbay

photo credits @meditation_me_time
Sa maikling oras lamang na pagsakay
Kaginhawahan ng isip ang aking tinaglay
Pwesto ko'y sa likod ng tsuper na pagod at pawisan
Sa bintana ng kaniyang bus tiningala ko ang mga ulap

Galak ang sa loob ko'y namuhay
Sa muling pagbabalik 'di na makapagantay
Yakap ang isasalubong ko sa bawat kong mahal
Sila na inspirasyon ko sa lakbayin ng buhay



Matagumpay ang aking pagluwas
May awa ang Diyos tama nga si Itay
Mga pagsubok daw ay darating sa buhay
Ngunit huwag magpatalo't ituloy ang lakbay

Tinanaw ko mula sa bintana ang buhay
Nilipad ang isip sa mahabang pinagdaanan
Binaling ang mata sa tanawing kay ganda
Sa tamis ng tagumpay, kamalayan ay dinala

Nasa Maynila ang ikabubuhay
Nasa Probinsya pagkatao ko't ikaliligaya
Lugar talaga namang babalik-balikan
Patunay ang tinanaw kong papalubog na araw

Nagsimulang lamig ng hangin ay 'di ko alintana
Mas inangat ko pa nga salamin ng bintana
Upang sa pagsandal ay akin paring matanaw
Ang Mt. Makiling na noon pa'y hilig kong masdan

Ang Makiling na parang mga mahal ko sa buhay
Tanaw ko parin kahit ang bus, malayo na ang inandar
Katulad ng maalalahanin at mapagmahal kong pamilya
Sa malayo man ay tila 'di nawala, at nasa tabi ko lamang

Pagiging masipag ng mga Pilipino at matiyaga
Susing ginamit ko rin sa pintuan ng tagumpay
Sa pinagdaanan Diyos ang naging gabay
Pinakinggan niya ang paulit-ulit kong dasal

Pagsubok na dinala ng Siyudad ay nalagpasan
Hintayin n'yo 'ko, ako'y babalik sa ating tahanan
Bababa ako ng sasakyan dala ang malaking pagasa
Pagasang ipinabaon niyo rin sa aking paglisan

Karangyaan man ay atin nang makakamtan
Tatapak parin tayo sa lupa at 'di magyayabang
Gaya ng dati mamumuhay tayong masaya
Hindi lilimot lingunin ang pinagmulan at nakaraan

Dala ang ngiti, sa wakas ako'y magbabalik na
Sa Batangas, lugar kung saan ako nagsimula
Kasama kayo, mga mahal ko sa buhay 
Magpapatuloy pa ang ating paglaklakbay


~~

  

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

3 comments:

  1. naks may entry na sya hehe! gudluck bro!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat bro. at gudluck din. ^__^


      sigurado marami kang sasalihan na category *naughty* hehe.

      Delete
    2. nagbabalak lang. ang sabaw ng entry ko sa maikling kwento hahaha!

      Delete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin