Tuesday, September 26, 2023

Minsang Itong Tahanan

credits @googlemaps
Ang kwarto ko ay ganon pa rin ngunit iba ang pakiramdam kesa sa dati. Sa garahe, nandoon si Vola, ang aso kong duwag at maligalig. Ang pamagkin kong parang kailan lang ay tahimik dahil gumagawa ng milagro sa gilid, ngayon ay magisang napapangiti ng sigurado ay marami niyang tagahanga.

Si Mama at si Papa din ay tahimik lang. Wala ng ibang magawa sa bahay, hindi makakapahinga ng trenta minuto ang TV at hindi pwedeng hindi madidinig ng kapit bahay ang Beatles at si Kenny. Pati ang labahin ay hindi na kailanman matatambak dahil paglalaba sa poso na lang ang kanilang naging bonding.

Nakakatuwa silang pagmasdan. Ano kaya ang pakiramdam na mapagtapos mo ang anim mong anak? Gusto ko rin yong maranasan pero parang mahihirapan dahil tumatanda na rin pero wala pang nararating at napapatunayan. Gusto ko ngang bumalik sa pagkabata eh kahit noon ang gusto ko ay pabilisin ang panahon at mapunta sa tamang edad para harapin ang buhay na malaki palang kalaban.

Minsan itong tahanan, at magiging tahanan pa rin oras na siya'y aking balikan. Kahit alam kong lubos akong mahihirapan, kailangan kong subukan umalis at buuin ang sarili ko ng malayo sa kanila. Gusto ko nang maging haligi ng tahanan, gusto ko nang ibigay ang lahat ng oras ko sa magiging sarili kong pamilya, gusto ko na ring maging Ama, at lubos kong ipagpapasalamat kung mabibiyayaan, gusto ko na siyang makasama, sa habang buhay naming dalawa.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin