Monday, September 4, 2023

Salbabida

Sa araw-araw na paglayag ko sa aking sarili at nalulunod na mundo, may araw din na tayo ay nagkatagpo at mga mata ay nagkabangga. Na parang natagpuan ko na din ang aking sarili.

Alam kong maaaring nililinlang pa rin ako ng aking mga mata. Sa pag sampa ng iyong paa sa ating bangka na buong akala ay nilimot mo na kung saan tayo nagsimula. Hiling ay di ka na muling lumisan pa.

Ang mga pirasong bahagi ng ating mga puso. Nawala, nasira, nalumbay. Ngayon ay nagbabalik, at nabubuong muli, makababalik sa dati at muling ititibok ang lahat ng ating mga ninanais.

Hindi kailanman bumitaw sa paniniwalang hahanapin mong muli ang sarili sa akin. Balatkayong pagpapala ng Diyos ang pagdaong natin sa isa't-isa, at alam kong maaalala mo ito san ka man dinala ng alon ng iyong damdamin.

Sana sa muling paghampas at paglunod sa atin ng mga suliranin at kabigatan, hindi mo na muling iwan sa akin ang lahat. Alam kong sa puso mo ay 'di mo 'yon kagustuhan. Alaalang hindi na natin babalikan.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin