Tuesday, September 26, 2023

Minsang Itong Tahanan

credits @googlemaps
Ang kwarto ko ay ganon pa rin ngunit iba ang pakiramdam kesa sa dati. Sa garahe, nandoon si Vola, ang aso kong duwag at maligalig. Ang pamagkin kong parang kailan lang ay tahimik dahil gumagawa ng milagro sa gilid, ngayon ay magisang napapangiti ng sigurado ay marami niyang tagahanga.



Wednesday, September 13, 2023

Pagkatapos ng Sandali

photo credits @lakadpilipinas
Habang naglalakad na tinatakasan ang sumasakop na dilim sa dapit-hapon, tahimik ako at tahimik ka din dahil hiya pa ang parehong umiiral sa atin. Sa bawat hakbang, mas umiikli ang oras para makabuo ng desisyon kung papaano ako magpapaalam sa'yo, bukod pa sa ano kayang mararamdaman mo kung magbigay ako ng halik sa iyo, kahit sa pisngi lang o' 'di kaya'y sa noo.



Monday, September 4, 2023

Salbabida

Sa araw-araw na paglayag ko sa aking sarili at nalulunod na mundo, may araw din na tayo ay nagkatagpo at mga mata ay nagkabangga. Na parang natagpuan ko na din ang aking sarili.



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.