Monday, September 28, 2020

Bulawan

image credits: artists & illustrators
Pinagmasdan ko muna siya sa malayo bago ko siya tuluyang lapitan. Ang distansya ng aming pagkatao ay milya at mahirap paniwalaan. Parang ngiti lang niya ang sinadya ko doon sa complex at maari na akong umuwi. Ramdam na ramdan ko kung gaano ako kapalad na makakilala ng isang tulad niya. Gusto ko siyang pasalamatan sa pagdating niya sa buhay ko ngunit hindi na kailangan, wala siyang ideya kung gaano niya ako napapasaya.



Friday, September 25, 2020

Gamotonimya

Gusto kita. Gusto kong akin ka lang ngunit bigo ang isang buhay Gamugamo. Sa pagsabay sa akin ng kamalasang tadhana, maaari ko pang guluhin ang iyong tainga ngunit matagal mo na akong pinandirihan at pinagtabuyan.



Sunday, September 20, 2020

Bong Its

credits: prison photography
Malayo sa aking tahanan, walang patutunguhan, malabo ang pagkatao't isipan. Kung ako'y nasaan, doon matao ngunit walang nilalaman. Sa aking tainga ay ang lumang awitin ang naiwan, awitin mula sa kababawan ng lupang tinatapakan na aking palang kakambal.


Wednesday, September 16, 2020

Planeta ni Sarah

credits: derek_ye
Isang malagkit na titig na naman sa larawan ng aking pinakamamahal. Araw araw akong gigising na nandito siya sa aking tabi kahit larawan lang naman talaga niya ang nandoon at unan lang naman talaga ang yakap ko't hindi siya, ni hindi pa nga napunasan ang natuyot kong laway sa mukha ay siya pa rin ang una kong inalala.



Thursday, September 10, 2020

Tubigan

credits: favim.com

Sa akin ay maniwala ka lang

Makakarating muli tayo sa tubigan

Paligid niya'y iyong pagmasdan

Iduduyan ng hangin sa nakaraan

Tubig niya'y muling hawakan

Kapayapaan ay muling makakamtan



Tuesday, September 1, 2020

Sulo

credits: TrekEarth
credits: TrekEarth
Maglalaho ang mga bituin ang mundo natin araw ay muling sasalubungin. Liwanag mo parin ang aking aalalahanin, ang liwanag mo na siyang nagbibigay ng buhay sa akin. Ikaw ang Sulo sa aking mga kamay, naghahatid ng liwanag sa aking daan. Alam ng Diyos kung gaano kita kailangan, ngunit tulad ng isang Sulo, kung gaano ka kaliwanag ay ganon lang din kabilis itong mamamatay. Sa ngayon, hindi ko alam kung ilang gabi't araw pa ang kaya kong salubungin na wala ka.

#TiktikKalawang




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.