Maaring hindi ako ang para sayo'y nilaan. Maaring hindi iyon ang tamang panahon at oras. Ngunit sa tagal ng ating pinagasamahan noon. At sa pagaakalang masasakta lang nama't lilipas din kung sakaling ako'y hindi muling matatanggap. Aking pa ring sinubukan.
Ayokong ako ang lumimot at umiwas. Dahil alam na ako rin ang magsisi sa bandang huli. Ayaw ko ring lumipad ang oras at masayang lang ang lahat. Ngunit saan ako pupunta mula rito sa kinatatayuan?. At kung ano't saan ang takbo ng hangin sa tuwing wala ka ay hindi rin maaaring sa akin pa malaman.
Nagwawala kung kailan huli na ang lahat. Sa mundo kung saan nililinang ang aking sungay. Aking naramdaman ang kakaibang pakiramdam ngunit hindi iyon galit sa iyo, sa pinakaunang pagkakataon.
Ako'y nagbabago, ako'y nawawala, ako'y tumatanda, at ako'y naglalakbay papalayo sa malalaking pagkakataon. At kung sa tingin mong ito'y mali, maaari mo akong samahan. Hindi mo pa rin ba napapansin? Ang buhay ko ay magpapatuloy lang kahit wala ka.
Nagsawa ako sa kili-kili goals ni Liza Soberano sa likod ng sinusundang bus. Walang restday ang traffic, at tayo na sana ang 'di matapos-tapos na pinapagawa kong matitirahan kung may OT sa pila ng sakayan. Hinihintay ko pa rin ang pagpaparamdam mo. Mi-nute ko pa nga ang lahat ng Group Chat para masiguradong ikaw na 'yon sakaling tumunog muli ang aking telepono. Ngunit mauuna pa yatang malowbat dahil sa hinahayaan kong ang data ay nakabukas lang.
Muli niyang aabutin ang ang telepono. Pupunit sa pananabik kong marinig ang kaniyang tono. Hahawak sa salamin sa pananabik na mukha niya'y haplusin. Nahuhulog ang luha habang binibigkas ng kaniyang mga labing "Sana hindi mo kinalabit".
Naisip mo kaya ako sa mga taong lumipas? Alam mo pa ba ang kumpleto kong
'ngalan? May isang bagay kaya na nagpapaalala sa'yo patungkol sa akin?
May natira pa kayang masayang alaala sa puso't isip? May mga panahon
kayang nagalala ka para sa aking kalagayan? Naroon din kaya ako sayo'ng
mga panaginip?