Monday, June 22, 2015

Hidwa


credits: triciagosintian
Upang mapatawad ay kailangan ring magpatawad. Nagiisa ngayon ngunit hindi maaaring sa buwan na lang ilahad ang lahat. At kung bakit kailangang may tinik na maiwan, sa pagsabog ng matagal ng nanahimik na bibig ng isa't-isa lang matutuklasan. Ramdam mo rin kayang may kulang? Kulang na sa simula pa lang ay hindi naman talaga natin napunan.



Tuesday, June 16, 2015

Airam


credits: benjamin simeneta
Nakasalumbaba na naman siya. Halatang malalim ang iniisip. Parang isang pagkakataong maihahambing sa matagal na mga panahon nang lumipas na doon mo palagi siya makikita. Pero siya na lang ang naiwan sa palaruang iyon na dati ay palaging takbuhan naming magkakaibigan kahit pa noong kami'y naging mga binata't dalaga na. Pero iba na ngayon, may Pamilya na ang iba, at may kaniya-kan'yang pinagkakaabalahan na ang ilan.


Monday, June 15, 2015

Suroy


"Iba't ibang lugar. May taglay na panibagong mukha sa bawat tagtuyot kong bisita. Matanda na ako-sigaw sa'kin ng City Hall at Cathedral. Mahal ko ang Bayang aking sinilangan, sa piling niya 'ko nangarap na mamayagpag at umunlad. Ngunit makakalayo pala kaming dagok at pagsubok lang ang kayang tanawin sa mga naiwan naming yapak."


Wednesday, June 3, 2015

Andan


credits: cartoon woman
Alam n'yang hinihintay ko siya doon, matamis na ngiti naman ang kaniyang ipinangsalubong ngunit walang kibua't walang imikan pa rin naming baybaybayin ang tabing dagat, malayo sa dating masaya, mga binuong alaala.

Mas gusto pa n'yang masdan na lang ang bawat n'yang hakbang sa buhangin kesa ako'y kausapin. Kung hindi pa liparin ng hangin ang sombrerong tanging panangga niya sa init ay hindi lilingunin ang magandang tanawin na kanina pang gustong agawin ang kaniyang pansin.



All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.