Hindi balakid ang masamang kapanahunan para sa mukha niya ay mabatid ang kaligayahan. Pinagmasdan ko ang mala anghel niyang ngiti habang sa akin ay nakatingin s'ya. Hawak niya ang buhok sa pagtangging isayaw ito ng hangin na nagmumula sa bintana. Kaakita-akit rin ang maputi at makinis niyang balat. Gayun man ay hindi miski isang tinga mong mararamdaman ang kaartehan sa kaniyang aura, bagkus ay kasimplehan ang makikita't mararamdaman sa kaniya.
Biglaan na lamang ay may kung anong nagbago sa kaniya na nagpakunot naman sa aking kilay. Malumbay na ang kanina ay makulay, limang kanto pa lamang ang nalalampasan ay nagiba na ang kaniyang kanina'y masayang katauhan. Nguso niya'y humaba at hinaluan pa ng buntong hininga ang matagal na pagpikit ng mata. Hindi bagay sa kaniya ang may problema, hindi nararapat sa kaniya ang binibigyan ng problema, kaya nga laging kasiyahan lang niya ang hinahangad ko kahit pa paminsan alam kong ako naman ang mahihirapan at masasaktan. Ako tuloy eh napa salumbaba at sa kalsada na lamang ibinaling ang mga mata, tumangginga pagmasdan pa ang biyernes santo niyang hitsura.
"Mahal mo pa ba ako!?" Biglaan namang tanong niya habang sa akin ay nakatingin na tila nagpapaawa pa. Kulang nalang ay mapa nganga, napatingin ang iba pang mga pasahero sa kaniya, ako man ay nakaramdam 'din ng hiya. "Ano ka ba? 'Wag dito" Gusto ko sanang ibulong sa kaniyang tenga, malas lamang at hindi magkatabi ang naokupado naming mauupuan, ang waluhan nga ay naging pang syaman na, sa hirap ba naman ng life. Instant drama sana ang masasaksihan nila kung sasagot ako't sasabihing; Oo mahal kita, at habang nabubuhay ako ay ikaw lang. How sweet nga naman, baka nga sila pa eh magsi palakpakan, pero hindi. Hindi ako nakapag salita.
"Bakit ba palagi ka nalang ganyan!?" Heto't dama na ang papabagsak na luha sa nais nang umiyak na boses niya. Dahilan upang maagaw nanaman ang pansin ng mga deep inside na umuusyosong mga tenga't mata naming kasama. "Ano nanaman bang mali ko? Ano nanaman ang nagawa ko!?"
"Para ho!" Mula doon ko na inagaw ang eksena at pansin ng just a stranger on a dyip naming mga kasabay, nauntog pa nga ako sa pagmamadaling makalabas sa mala-timespacewarp na dyip kong nasakyan. Akala ko kaninang pagsakay ko oks lang kasi past-is-past naman at walang problema rin akong natanaw sa kaniya kanina. Pero katulad dati mabilis lang magbago ang ihip ng hangin, tulad ng away-bati naming hindi na mabilang sa paglipas ng tagsipon. Wala na akong iniwan pa miski isang salita, sapat na ang nakitang hindi ko gusto ang mga naririnig mula sa kaniya.
Hindi pa rito ang destinasyon ko't eksaktong bababaan, maghihintay nalang ulit ako ng dyip na biyaheng alabang. Otso pesos lang naman ang panibagong sakay, pero ang pagbalik sa nakaraan maraming sakit at sakripisyong nasayang lamang ang ipapaalala. Minahal ko siya at ginawa ko ang lahat para maging masaya siya, kaming dalawa. Pero mas pinili niya ang maghabol sa taong hindi naman talagang pagmamahal ang habol sa kaniya. Awa tuloy ang naramdaman ko kaninang may kausap siya sa telepono niya.
Ganito ba talaga dapat na umpisahan ang espesyal kong araw? Tanong ko lamang sa sarili habang nagaabang ng masasakyan. Sabagay sabi nila bago ang tamis ay may pait muna. Bago ang happily married may it's complicated muna. Mabuti nalang at hindi niya tulad si Kristel, sa panibagong sakay ko alam kong tama ang aking naging pasya. Late na ako sa aming persdeyt at baka nagaalala na siya, mamaya sa dyip tatawagan ko siya.
No comments:
Post a Comment