Wala na akong iba pang maisip na maaaring puntahan niya kundi sa bahay rin nila, wala naman siyang ibang malalapit na kaibigan kundi ang mga kaibigan ko lang rin na nakakasalamuha niya dahil sa palaging pagsama sa akin noon. Hindi ko naman inakala dati na gusto niya ako kaya n'ya iyon ginagawa, at kung nalaman ko lang ng maaga ipinatigil ko na sana ang ginagawa niyang iyon. Madalas kasing out of place lang naman ang kinalalabasan niya.
"Labas nalang tayong dalawa. Hayaan na natin sila d'yan" Yaya ko pa sa kaniya noong mapansing malayo na ang napuntahan ng isip niya kakabutingting sa cellphone na wala namang natatanggap na text o tawag.
"Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita d'yan, nao-o.p kana samin 'diba?" Doon palang ay napangiti ko na siya, at hindi siya nagatubili na sumama sa akin. Masarap siyang kasama, lalu na nung oras na 'yon dahil solo ko siya. Nawala kasi ang lahat ng hiya sa balat niya.
"Parang ibang Pia ang kasama ko ngayon at kanina ah?" puna ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero nginitian niya ako at may palambing na pagpalo pa sa balikat ko. Masayang masaya siya non kahit na wala naman akong ipinamili para sa kaniya, siya pa nga ang nanlibre nung mauhaw ako at makailang balik para magrefill ng slurpee, nahiya tuloy ako dahil maging sa bawat paghigop ko ay masayang pinagmamasdan niya ako.
Hindi naman ako nawili, masarap lang talaga siyang kasama kaya halos araw-araw pagtapos ng eskwela ay ganon na ang nakasanayan naming gawin gala muna imbis na umuwi ng maaga, pabor naman sa akin dahil babawiin lang naman ang kalahati ng baon ko kung uuwi agad.
Isang hapon nang magpunta kami sa aming mga college barkada matapos ang aming gala. Kakaunting kaibigan lang ang inabutan naming natira doon may mga umalis na pero may mga dumating naman na pamalit mga kaibigan na kakarating lang at all set nang tumoma. Mali na pumunta pa kami doon, matagal ko na kasing isinumpa ang alak, si Pia naman na pangangamusta lang sa mga kaibigan ang ipinunta rito pinangangambahan kong baka dahil pa sa akin mapilit siya ng iba na makisama sa alak na pinapaikot sa lamesita.
"Bilsan mo Sheena!" Sigaw ni Jerome na halos mamilipit sa wrong timing na pagaalburoto ng tiyan niya. Dumistansya ako kay Pia, at pansin iyon ng buong barkada. Kaya pala tahimik sila sa pagpasok naming dalawa, hindi rin kasi nila inasahan na darating ang ex girlfriend ko' si Sheena. Senyales pala talaga para sa akin ang ginawang acting ni Jerome, kaya agad akong nakihalo sa paikot nilang halera at isiniksik ang aking sarili sa on-going na pot session ng barkada.
_____________________________
"Mahal mo parin ba siya?" Tanong ni Pia sa akin noong naglalakad na kami pauwi. Alam kong si Sheena ang tinutukoy niya at oo ang naisagot ko sa kaniya, kahit siguro wala ang espiritu ng alak ay ganon parin ang magiging kasagutan ko sa kaniya dahil hindi naman ako tumigil sa pagmamahal kay Sheena, siya lang kasi ang nawalan ng pagtingin sa akin, ilang beses ko sinubukang magkipag ayos na sa kaniya pero kahit kailan hindi niya ako napagbigyan hanggang sa dumating ang araw na tuluyang makipaghiwalay na siya sa akin. Kung bakit? Gagambang ekis lang ang nakakaalam. Masikreto at tahimik na babae kasi siya na kahit papano ay isa sa mga katangian na nagustuhan ko sa kaniya.
"Maiba ako bakit hindi ka yata uminom kanina?" Kung tutuusin hindi ko na dapat pang kinukwestyon ang mga ganong bagay,hindi ko lang kasi napigilan ang sarili na basagin ang katahimikang nanaig sa aming dalawa. Matapos ko kasing masagot ang huling naitanong niya ay tila nawalan na ng gustong sabihin si Pia.
"Si Ely lang naman ang sanay mag-inom sa aming mga babae 'diba?" Matagal na katahimikan pa ang nagpatuloy na pilit bumubulong sa mga malay naming isipin nalang na hindi kami magkasama bago ko pa narinig sa kaniya iyon' ang nadelay na sagot niya.
Matapos akong tumango, panibagong problema ang pagisip kung ano ang idudugtong sa usapan o kung ano pa ang maari kong itanong sa kaniya. Iniligtas naman ako ng biglaang pagbuhos ng ulan, eksaktong hindi na kalayuan sa amin ang waiting shed non kaya matapos magpakiramdaman pareho na naming minadali ang aming mga hakbang.
Dahil galit ang ulan sa manipis na yero ng shed, nagpatuloy ang hindi pakikipagusap sa akin ni Pia, hindi lang kami magkakaintindihan dahil sa ingay na binubuo ng mas lalu pang lumakas na pagulan. Hindi niya ako kinikibo o kahit nililingon man lang, halata naman kahit hindi ko marinig mula sa kaniya, galit sita sa akin dahil nalaman na hanggang ngayon ay mahal ko parin si Sheena.
"Ganitong ganito 'yon" Bulong ng napabalik tanaw kong isip sa aking mga mata. Ganito mismo ang eksena noong nagalit sa akin si Sheena, napaka sungit niya nung araw na 'yon, nangungusap ang mga mata niya sa ulan na tumigil na para tuluyan na akong maiwan sa lugar na ito kung saan kami dinala ng pagbuntot ko sa kaniya. Hindi ko alam non kung talagang nagpapahabol ba siya o talagang ayaw na n'yang marinig ang mga paliwanag ko sa pagkakahuli niya sa aking kausap si Rose. Siya naman kasi talaga ang hinahanap ko, wala kasi akong ideya non kung nasaan siya, napasama pang tanungin ko at kamustahin na rin ang kaibigan niya. Kung nagreply lang sana siya sa text ko edi walang problema.
Kahit gustong dumampi ng mga kamay ko sa braso niya para mapigilan siya sa paglalakad ay hindi ko 'yon nagawa, siguro kung ginawa ko 'yon ay palalu lang na magagalit siya. Ilang beses rin sinambit ng nagpapaamo kong boses ang pangalan niya para huminto naman siya sa paglayo pero wala akong nagawa para pansinin at makapag paliwanag sa kaniya kahit pa nung araw na 'yon ay sinubukan rin akong tulungan ng biglang pagbagsak ng ulan at ng magaling tumayming na waiting shed na madalas ko ring tinatambayan.
Tulala ako habang iniisip ang mga nangyaring iyon ngunit natauhan ako nang nagsimulang humangin bahagya at mabasa kami ng malamig na tubig ulan.
"Kalimutan mo na ang sinabi ko kanina. Hindi totoo na mahal ko pa siya" Mahina kong sabi matapos paatrasin si Pia ng umaampyas na ulan na nagpalapit rin sa kanina ay tila hindi magkakilalang tao na distansya naming dalawa.
Dahil doon sa wakas ay lumingon siya sa akin at nawala ang masama kong pakiramdam sa ibinibigay na tingin ng mga mata niya. Nakahinga ako ng maluwag bagamat patuloy ang pagiging tahimik niya, natiyak ko namang hindi niya ako lilisanin sa lugar na iyon na may galit pang iiwan tulad ng ginawa ni Sheena, bagay na sigurado kong pagsisisihan kung mauulit pa dahil sa palagay ko hindi narin pagiging kaibigan lang ang tingin ko kay Pia.
"Huy tara na!" Namalayan ko naman ang unti-unting paghina ng ulan at pagtigil nito. Alam ko rin na humupa na kahit papaano ang galit sa akin ni Pia, hindi ko lang talaga inasahan na matapos ang mga nangyari non ay gusto parin niya akong makasama. Bigla nanaman siyang nagbago parang nilagnat lang at biglang naging maamo siya sa akin. Para akong nananaginip non dahil mabilis na bumalik ang ngiti at kasiyahan sa kaniya.
Ganon ba talaga kabilis mag switch ang mood niya? O napasaya ko siya dahil mismong sa akin niya narinig na binawi ko ang sinabing mahal ko pa si Sheena?
Naisip ko non. Ambilis naman niya akong napatawad, parang isang iglap lang nawala na ang lahat ng dahilan para sa akin magtampo siya. Tinawanan ko rin ang sarili ko non, dahil naisip na isinuko ko na pala ang isang bagay na matagal ko nang pinangangatawanan. Ganon katindi ang magic ni Pia, namangha ako ganda ng buong pagkatao niya, nakita ko ang lahat ng hinahanap kong katangian ng isang babae sa kaniya, and through the years i keep on feeling and witnessing her spark dahil siya ang minahal ko at alam kong wala nang iba.
_____________________________
Kasalukuyan. Tumayo na ako sa waiting shed kahit hindi pa natatapos ang pagulan, nakapagdala naman ako ng payong pero hindi ko rin napansing matagal pala ang naging pananatili ko doon kahit nagiisip lang naman ng mga bagay na nakaraan na. Tumayo na ako at binuksan ang aking payong, mula roon ay itinuloy ko na ang malayong lakarin ko papunta sa kina Pia.
"Ano nanaman ang problema?" Galit na bungad ni tito Richard ang ama ni Pia.
"Sabi ko naman sa'yo diba? Mahalin mo ang anak ko at huwag sasaktan" Pangaral niya habang itinitiklop ko ang basang-basa na payong na ginamit sa aking paglalakad.
"Iba ang anak kong 'yon. Nakita ko sa kaniya kung gaano ka niya kamahal. Bilib ako sa kaniya dahil para sa'yo hindi niya rin inisip ang iisipin ng ibang tao sa kaniya." Dagdag pa niya habang sinisilip ko kung nasa loob ng bahay si Pia. Kusa na siyang lumabas at ipinakita ang sarili. Niyakap niya ang kanyang ama na nakatingin sa akin na may mga matang nagpapamukha sa akin kung ano nanaman ang kasalanan na nagawa ko.
Maswerte talaga ako kay Pia. Kahit mukhang katatapos lamang umiyak at wala pa akong nagawa para maipaliwanag ang sarili, lumapit siya sa akin, niyakap niya ako at ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamiss kahit ilang oras palang kaming nagkakalayo. Humingi ako ng tawad sa kaniya at nangako na hindi na uulit pa. Ganon rin sa kaniyang ama.
"Pasensya na po, pangako hindi ko na ulit ihahain sa usapan ang pangalan ng ate niya. Wag niyo rin po sanang isipin na dalawa silang mahal ko. Isa pa suot na po ang singsing ng bunso niyo" Masayang sabi ko kay tito Richard.