Kakaiba ang hapon na iyon. Iba sa nagdaang mga araw. Oo nga't nagkakahiyaan pa ang ibang mga Kamagaral dahil isang buwan pa lamang ang isinimula ng klase, ngunit kakaibang katahimikan ang sa akin ay bumabagabag.
Alas singko ng hapon na. Mga oras na dapat ay may naikabit nang visual aid si Mrs. Puno sa pisara,ang aking ipinagtataka, katamarang sumulat na nga ang dahilan ng gawain niyang 'yon ngunit bakit ang pagkakabit ng visual ay tila kinatamaran na rin niya.
Kinalabit si Cesar at umarte na walang alam, tulad ng madalas na biro ko sa kaniya. Ngunit kahit ilang beses inulit, hindi man lang nagabala na lumingon ang ulo niya.
Uwian na daw. Sabi ng isang Kamag-aral na kunot noong tumayo at isinukbit ang bag. Ngunit sa pisngi niya hindi kasabikan sa paguwi ang aking nadama dahil sa pisngi n'ya may napansin akong luha, halatang galing sa pagiyak at mukhang hindi na kaya ang dinadala.
Si Albert na madalas manloko kay Mrs. Puno, ngayo'y tahimik malapit sa bintana siya'y naka upo. Nilapitan ko ang kaibigan at sa balikat niya'y umakbay ako. Pero para akong kaluluwa na hindi pinapansin ng kahit na sino.
Buong klase ay alam kong inis na inis kay Ma'am Puno. Dahil sa sungit niya at madalas na pangiinsulto sa mga Kamag-aral na hindi maka sagot sa mga tanong galing sa bawat lessons. Hindi ko naman makakailang isa rin ako sa kanila, dahil ipinahiya niya ako noong sinubukang lumipat ng upuan, upang tabihan at bolahin ang crush ko.
"Naku 'wag kayong makinig sa tamad, masungit, at matandang 'yan" Noon ay nagkakaisang bulungan ng mga Kamag-aral habang si Ma'am ay nagsasalita at nagtuturo. Ang ipinagtataka ko, bakit ngayon lahat sila sa guro ay nakatingin at tila naghihintay ng sasabihin nito.
Sinimulan naring umalis ni Mrs. Puno. Uwian na daw. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko yata narinig ang malakas na hiyawan at pagbubunyi tuwing lalampas si Ma'am sa pintuan ng silid aralan, gawain ng mga Kamag-aral sa tuwing sa wakas ay nakaraos sa kasungitan at nakaka boring na pangaral ni Ma'am.
Sinimulan naring tumayo ng mahal kong si Carmina. Pero ang nakapagtataka, hindi lang siya ngunit lahat ng Kamag-aral ay nagmamadali at tila gustong habulin at kausapin si Ma'am Puno, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa silid, ako nalang ang naiwan.
Tapik sa pisngi ang gumising sa akin mula saking pagkaka idlip. Salamat at panaginip lang pala ang mga weird na naganap. Ngunit katulad ng sa aking panaginip, tahimik at walang ingay sa buong silid. Tanaw ko lang sa unahan ay ang mamulamula ang mata na Student Teacher na sa nagkukumpulang Kamag-aral ko ay tila nagpapaliwanag.
"Anong nangyari?" Tanong ko sa gumising sa akin
"Uwian na daw. Walang magtuturo sa atin. Wala na daw pala si Ma'am. Matanda na kasi. Ang sobrang pagpapagod, stress, at pagpasok araw-araw hindi na nakayanan ng may edad niyang katawan." Sagot sa akin ng balisa na si Carmina
~~ o ~~
No comments:
Post a Comment