Lunes, Mayo 21, 2012

Uwian na daw



Kakaiba ang hapon na iyon. Iba sa nagdaang mga araw. Oo nga't nagkakahiyaan pa ang ibang mga Kamagaral dahil isang buwan pa lamang ang isinimula ng klase, ngunit kakaibang katahimikan ang sa akin ay bumabagabag.

Alas singko ng hapon na. Mga oras na dapat ay may naikabit nang visual aid si Mrs. Puno sa pisara,ang aking ipinagtataka, katamarang sumulat na nga ang dahilan ng gawain niyang 'yon ngunit bakit ang pagkakabit ng visual ay tila kinatamaran na rin niya.

Kinalabit si Cesar at umarte na walang alam, tulad ng madalas na biro ko sa kaniya. Ngunit kahit ilang beses inulit, hindi man lang nagabala na lumingon ang ulo niya.

Uwian na daw. Sabi ng isang Kamag-aral na kunot noong tumayo at isinukbit ang bag. Ngunit sa pisngi niya hindi kasabikan sa paguwi ang aking nadama dahil sa pisngi n'ya may napansin akong luha, halatang galing sa pagiyak at mukhang hindi na kaya ang dinadala.

Si Albert na madalas manloko kay Mrs. Puno, ngayo'y tahimik malapit sa bintana siya'y naka upo. Nilapitan ko ang kaibigan at sa balikat niya'y umakbay ako. Pero para akong kaluluwa na hindi pinapansin ng kahit na sino.

Buong klase ay alam kong inis na inis kay Ma'am Puno. Dahil sa sungit niya at madalas na pangiinsulto sa mga Kamag-aral na hindi maka sagot sa mga tanong galing sa bawat lessons. Hindi ko naman makakailang isa rin ako sa kanila, dahil ipinahiya niya ako noong sinubukang lumipat ng upuan, upang tabihan at bolahin ang crush ko.

"Naku 'wag kayong makinig sa tamad, masungit, at matandang 'yan" Noon ay nagkakaisang bulungan ng mga Kamag-aral habang si Ma'am ay nagsasalita at nagtuturo. Ang ipinagtataka ko, bakit ngayon lahat sila sa guro ay nakatingin at tila naghihintay ng sasabihin nito.

Sinimulan naring umalis ni Mrs. Puno. Uwian na daw. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko yata narinig ang malakas na hiyawan at pagbubunyi tuwing lalampas si Ma'am sa pintuan ng silid aralan, gawain ng mga Kamag-aral sa tuwing sa wakas ay nakaraos sa kasungitan at nakaka boring na pangaral ni Ma'am.

Sinimulan naring tumayo ng mahal kong si Carmina. Pero ang nakapagtataka, hindi lang siya ngunit lahat ng Kamag-aral ay nagmamadali at tila gustong habulin at kausapin si Ma'am Puno, hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sa silid, ako nalang ang naiwan.

Tapik sa pisngi ang gumising sa akin mula saking pagkaka idlip. Salamat at panaginip lang pala ang mga weird na naganap. Ngunit katulad ng sa aking panaginip, tahimik at walang ingay sa buong silid. Tanaw ko lang sa unahan ay ang mamulamula ang mata na Student Teacher na sa nagkukumpulang Kamag-aral ko ay tila nagpapaliwanag.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa gumising sa akin

"Uwian na daw. Walang magtuturo sa atin. Wala na daw pala si Ma'am. Matanda na kasi. Ang sobrang pagpapagod, stress, at pagpasok araw-araw hindi na nakayanan ng may edad niyang katawan." Sagot sa akin ng balisa na si Carmina

~~ o ~~

This post is an output for a Writing Challenge



Linggo, Mayo 20, 2012

sa puso mo



Kahit anong tigas pala'y matutunaw rin
Ang yelo kung ikaw ang pumukaw at tumitig
Matalas mong tingin at malanding galaw
Sa likod tinatagu pala'y damdaming malambutin, mahina

Hindi ko 'yon inasahan
Kakaiba sa dati mong tingin
Ngunit salamat narin ako'y napansin
Nais kong ika'y lalu pang kilalanin
At kung mapagbibigyan ay mahalin

"Malaking kahibangan"
Pangaral ng kabadong damdamin
Ngunit salamat sa'yo mahal
Sa puso mo ako'y 'yong pinamalagi



Huwebes, Mayo 17, 2012

So Free



Here i am standing on a rooftop of a three story building where i afford to have a unit wondering, how lucky i am to be able to see this world's beauty. These tall buildings, moving vehicles, and people that i see from here all makes me feel so free.

The view of the setting sun. Reminds me of the days where i try to give the best of me as a student, a worker, as a son, and a lover. Feeling like i'm on the top of the world, coz finally after life's up and downs that i've been trough, i manage to fulfill all of my dreams.


I climbed the edge of the building and stand there. As the airwaves started to dance with my hair i started to realize how good God is and how wonderful his plans for me are.

I remember when i was young i always blame God. I always blame god for how my family struggle and for how we must accept the fact that we are not fortunate like other families residing in elegant houses, private residences and there living their good life.

My father was worried hearing all that from a young me. So he slowly sat next to me and said "Don't blame God. Good God in heaven is watching us having his master plans. But God don't want us to just sit and wait here, do nothing. He want us to do something for us to reach our dreams. Like how a teacher wants to see his/her student's eagerness to learn. Look at me i'm old but i never stopped trying for you and your mother, my family."  My dad told me that, and if not because of him i don't know what and where i would be right now. He motivated me and made me a better man. He's the one who planted faith in my very poor young heart. That's why i miss my dad so much.

I feel so free. I got every person i love with me. My caring Mother, my supportive Brother, Friends that is always here for me, and a beautiful, loving wife Darlene. Even though we can't have a baby, we never lose hope trying and we feel so blessed just to have each other.

It's getting dark. Streets now leaded by bright diamond lights. The huge cross upon the nearest sanctuary, glowing a blue beauty every human being would love to see from here. As i look down on it, i feel calmness, feel so relieved, i don't know but all these makes me feel so free. Like for my hungry heart and soul, positive wide open eyes is the feeder of any image or scene in this world i can possibly see.

I sit there not minding if careless i may fall. And again i open and read what's on that letter i received this morning. Im crazy because after reading i turned it into a paper plane and fly it along the wind. I regret nothing. I accept my destiny. And my tears fall as the paper plane hits the lonely ground.

Here comes my wife Darlene in her early pajamas. She's giving me a curiosity look so i jumped back to stop her wondering what's happening with me. I held and kiss her hand, and i didn't let her go like it's the last time i can feel her.

As i bring her to the spot where i've been viewing things for almost three hours. She smiled. And suddenly she turn her look so far, and because she's not looking directly on me i didn't expected what she speak out and said "Finally we're having our most precious gift of God."

Her good news. That news worried me because it made the bad news even harder to tell, how will i confront her the bad new. It made me even harder to tell her what the doctor stated on the letter that days, months, weeks, anytime and anywhere my no cure disease can kill me.

I hugged Darlene and i looked up in the sky. There i whisper God a one last favor. "Let me see my child before taking me with you into your paradise.



Miyerkules, Mayo 16, 2012

Last Kiss



Pangalan ko kanyang unang sinambit
Nagaalala at hindi mapakali
Mga kaibigan kaniyang unang nakita
Nakapaligid at sa kaniya lang naka antabay

Tila hindi n'ya dama ang sakit
Sinubukang tumayo kahit katawan ay tumatanggi
Mga kasama niya siya ay pinipigil
Dahil sa mga ugat niya'y may suero pang naka kabit

Tumulo ang luha niya habang iniisip
Sinabi ng kaibigan na siya lang ang nasagip
Sinubukan naman daw ang lahat pangaamo pa nila
Ngunit hindi niya mapigilan sarili ay sisihin

Ako man ay wala ring nagawa
Kasama nila ngunit hindi nakikita
Sa anibersaryo namin hindi ko inakala
Pagsalubong niyang halik, kahuli-hulihan na pala

Ilang beses ko rin inapakan ang pedal
Pero kahit inulit-ulit pa'y hindi na ito gumana
Iniliko nalang dahil sa kasalubong kami ay babangga
Ngunit sa malaking puno ay hindi nakaiwas

Tunog ng humihiyaw at 'di mapigilang gulong
Nabigla at halos humagis naming mga katawan
Bubog ng nabasag na salamin sa akin nagtalsikan
Nasaktan niyang paghiyaw huli kong napakinggan




Linggo, Mayo 13, 2012

Saving Shed


Wala na akong iba pang maisip na maaaring puntahan niya kundi sa bahay rin nila, wala naman siyang ibang malalapit na kaibigan kundi ang mga kaibigan ko lang rin na nakakasalamuha niya dahil sa palaging pagsama sa akin noon. Hindi ko naman inakala dati na gusto niya ako kaya n'ya iyon ginagawa, at kung nalaman ko lang ng maaga ipinatigil ko na sana ang ginagawa niyang iyon. Madalas kasing out of place lang naman ang kinalalabasan niya.

"Labas nalang tayong dalawa. Hayaan na natin sila d'yan" Yaya ko pa sa kaniya noong mapansing malayo na ang napuntahan ng isip niya kakabutingting sa cellphone na wala namang natatanggap na text o tawag.

"Kanina ka pa kasi hindi nagsasalita d'yan, nao-o.p kana samin 'diba?" Doon palang ay napangiti ko na siya, at hindi siya nagatubili na sumama sa akin. Masarap siyang kasama, lalu na nung oras na 'yon dahil solo ko siya. Nawala kasi ang lahat ng hiya sa balat niya.

"Parang ibang Pia ang kasama ko ngayon at kanina ah?" puna ko sa kaniya. Hindi siya nagsalita pero nginitian niya ako at may palambing na pagpalo pa sa balikat ko. Masayang masaya siya non kahit na wala naman akong ipinamili para sa kaniya, siya pa nga ang nanlibre nung mauhaw ako at makailang balik para magrefill ng slurpee, nahiya tuloy ako dahil maging sa bawat paghigop ko ay masayang pinagmamasdan niya ako.

Hindi naman ako nawili, masarap lang talaga siyang kasama kaya halos araw-araw pagtapos ng eskwela ay ganon na ang nakasanayan naming gawin gala muna imbis na umuwi ng maaga, pabor naman sa akin dahil babawiin lang naman ang kalahati ng baon ko kung uuwi agad.

Isang hapon nang magpunta kami sa aming mga college barkada matapos ang aming gala. Kakaunting kaibigan lang ang inabutan naming natira doon may mga umalis na pero may mga dumating naman na pamalit mga kaibigan na kakarating lang at all set nang tumoma. Mali na pumunta pa kami doon, matagal ko na kasing isinumpa ang alak, si Pia naman na pangangamusta lang sa mga kaibigan ang ipinunta rito pinangangambahan kong baka dahil pa sa akin mapilit siya ng iba na makisama sa alak na pinapaikot sa lamesita.

"Bilsan mo Sheena!" Sigaw ni Jerome na halos mamilipit sa wrong timing na pagaalburoto ng tiyan niya. Dumistansya ako kay Pia, at pansin iyon ng buong barkada. Kaya pala tahimik sila sa pagpasok naming dalawa, hindi rin kasi nila inasahan na darating ang ex girlfriend ko' si Sheena. Senyales pala talaga para sa akin ang ginawang acting ni Jerome, kaya agad akong nakihalo sa paikot nilang halera at isiniksik ang aking sarili sa on-going na pot session ng barkada.

_____________________________

"Mahal mo parin ba siya?" Tanong ni Pia sa akin noong naglalakad na kami pauwi. Alam kong si Sheena ang tinutukoy niya at oo ang naisagot ko sa kaniya, kahit siguro wala ang espiritu ng alak ay ganon parin ang magiging kasagutan ko sa kaniya dahil hindi naman ako tumigil sa pagmamahal kay Sheena, siya lang kasi ang nawalan ng pagtingin sa akin, ilang beses ko sinubukang magkipag ayos na sa kaniya pero kahit kailan hindi niya ako napagbigyan hanggang sa dumating ang araw na tuluyang makipaghiwalay na siya sa akin. Kung bakit? Gagambang ekis lang ang nakakaalam. Masikreto at tahimik na babae kasi siya na kahit papano ay isa sa mga katangian na nagustuhan ko sa kaniya.

"Maiba ako bakit hindi ka yata uminom kanina?" Kung tutuusin hindi ko na dapat pang kinukwestyon ang mga ganong bagay,hindi ko lang kasi napigilan ang sarili na basagin ang katahimikang nanaig sa aming dalawa. Matapos ko kasing masagot ang huling naitanong niya ay tila nawalan na ng gustong sabihin si Pia.

"Si Ely lang naman ang sanay mag-inom sa aming mga babae 'diba?" Matagal na katahimikan pa ang nagpatuloy na pilit bumubulong sa mga malay naming isipin nalang na hindi kami magkasama bago ko pa narinig sa kaniya iyon' ang nadelay na sagot niya.

Matapos akong tumango, panibagong problema ang pagisip kung ano ang idudugtong sa usapan o kung ano pa ang maari kong itanong sa kaniya. Iniligtas naman ako ng biglaang pagbuhos ng ulan, eksaktong hindi na kalayuan sa amin ang waiting shed non kaya matapos magpakiramdaman pareho na naming minadali ang aming mga hakbang.

Dahil galit ang ulan sa manipis na yero ng shed, nagpatuloy ang hindi pakikipagusap sa akin ni Pia, hindi lang kami magkakaintindihan dahil sa ingay na binubuo ng mas lalu pang lumakas na pagulan. Hindi niya ako kinikibo o kahit nililingon man lang, halata naman kahit hindi ko marinig mula sa kaniya, galit sita sa akin dahil nalaman na hanggang ngayon ay mahal ko parin si Sheena.

"Ganitong ganito 'yon" Bulong ng napabalik tanaw kong isip sa aking mga mata. Ganito mismo ang eksena noong nagalit sa akin si Sheena, napaka sungit niya nung araw na 'yon, nangungusap ang mga mata niya sa ulan na tumigil na para tuluyan na akong maiwan sa lugar na ito kung saan kami dinala ng pagbuntot ko sa kaniya. Hindi ko alam non kung talagang nagpapahabol ba siya o talagang ayaw na n'yang marinig ang mga paliwanag ko sa pagkakahuli niya sa aking kausap si Rose. Siya naman kasi talaga ang hinahanap ko, wala kasi akong ideya non kung nasaan siya, napasama pang tanungin ko at kamustahin na rin ang kaibigan niya. Kung nagreply lang sana siya sa text ko edi walang problema.

Kahit gustong dumampi ng mga kamay ko sa braso niya para mapigilan siya sa paglalakad ay hindi ko 'yon nagawa, siguro kung ginawa ko 'yon ay palalu lang na magagalit siya. Ilang beses rin sinambit ng nagpapaamo kong boses ang pangalan niya para huminto naman siya sa paglayo pero wala akong nagawa para pansinin at makapag paliwanag sa kaniya kahit pa nung araw na 'yon ay sinubukan rin akong tulungan ng biglang pagbagsak ng ulan at ng magaling tumayming na waiting shed na madalas ko ring tinatambayan.

Tulala ako habang iniisip ang mga nangyaring iyon ngunit natauhan ako nang nagsimulang humangin bahagya at mabasa kami ng malamig na tubig ulan.

"Kalimutan mo na ang sinabi ko kanina. Hindi totoo na mahal ko pa siya" Mahina kong sabi matapos paatrasin si Pia ng umaampyas na ulan na nagpalapit rin sa kanina ay tila hindi magkakilalang tao na distansya naming dalawa.

Dahil doon sa wakas ay lumingon siya sa akin at nawala ang masama kong pakiramdam sa ibinibigay na tingin ng mga mata niya. Nakahinga ako ng maluwag bagamat patuloy ang pagiging tahimik niya, natiyak ko namang hindi niya ako lilisanin sa lugar na iyon na may galit pang iiwan tulad ng ginawa ni Sheena, bagay na sigurado kong pagsisisihan kung mauulit pa dahil sa palagay ko hindi narin pagiging kaibigan lang ang tingin ko kay Pia.

"Huy tara na!" Namalayan ko naman ang unti-unting paghina ng ulan at pagtigil nito. Alam ko rin na humupa na kahit papaano ang galit sa akin ni Pia, hindi ko lang talaga inasahan na matapos ang mga nangyari non ay gusto parin niya akong makasama. Bigla nanaman siyang nagbago parang nilagnat lang at biglang naging maamo siya sa akin. Para akong nananaginip non dahil mabilis na bumalik ang ngiti at kasiyahan sa kaniya.

Ganon ba talaga kabilis mag switch ang mood niya? O napasaya ko siya dahil mismong sa akin niya narinig na binawi ko ang sinabing mahal ko pa si Sheena?

Naisip ko non. Ambilis naman niya akong napatawad, parang isang iglap lang nawala na ang lahat ng dahilan para sa akin magtampo siya. Tinawanan ko rin ang sarili ko non, dahil naisip na isinuko ko na pala ang isang bagay na matagal ko nang pinangangatawanan. Ganon katindi ang magic ni Pia, namangha ako ganda ng buong pagkatao niya, nakita ko ang lahat ng hinahanap kong katangian ng isang babae sa kaniya, and through the years i keep on feeling and witnessing her spark dahil siya ang minahal ko at alam kong wala nang iba.

_____________________________


Kasalukuyan. Tumayo na ako sa waiting shed kahit hindi pa natatapos ang pagulan, nakapagdala naman ako ng payong pero hindi ko rin napansing matagal pala ang naging pananatili ko doon kahit nagiisip lang naman ng mga bagay na nakaraan na. Tumayo na ako at binuksan ang aking payong, mula roon ay itinuloy ko na ang malayong lakarin ko papunta sa kina Pia.

"Ano nanaman ang problema?" Galit na bungad ni tito Richard ang ama ni Pia.

"Sabi ko naman sa'yo diba? Mahalin mo ang anak ko at huwag sasaktan" Pangaral niya habang itinitiklop ko ang basang-basa na payong na ginamit sa aking paglalakad.

"Iba ang anak kong 'yon. Nakita ko sa kaniya kung gaano ka niya kamahal. Bilib ako sa kaniya dahil para sa'yo hindi niya rin inisip ang iisipin ng ibang tao sa kaniya." Dagdag pa niya habang sinisilip ko kung nasa loob ng bahay si Pia. Kusa na siyang lumabas at ipinakita ang sarili. Niyakap niya ang kanyang ama na nakatingin sa akin na may mga matang nagpapamukha sa akin kung ano nanaman ang kasalanan na nagawa ko.

Maswerte talaga ako kay Pia. Kahit mukhang katatapos lamang umiyak at wala pa akong nagawa para maipaliwanag ang sarili, lumapit siya sa akin, niyakap niya ako at ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamiss kahit ilang oras palang kaming nagkakalayo. Humingi ako ng tawad sa kaniya at nangako na hindi na uulit pa. Ganon rin sa kaniyang ama.

"Pasensya na po, pangako hindi ko na ulit ihahain sa usapan ang pangalan ng ate niya. Wag niyo rin po sanang isipin na dalawa silang mahal ko. Isa pa suot na po ang singsing ng bunso niyo" Masayang sabi ko kay tito Richard.


Linggo, Mayo 6, 2012

Mallows



Mahinahon kong hinaplus-haplos ang aking malambot na unan na mahigit isang linggo ko ring hindi nahagkan ng matagal na oras. Sa nagdaang mga araw panay trabaho lang kasi ang inaasikaso ko. Trabaho na nakakastress at umaagaw sa mga nakasanayan kong bagay at hindi abalang buhay. Hindi na sana dapat pang ireklamo ang walong oras na paghahanapbuhay araw-araw. Kasama kasi raw kasi sa pinirmahang kontrata ang hindi dapat pagtanggi sa overtime hours. Minsan gusto ko nalang pumirma ng resign papers pero hindi ko magawa dahil sa naghihirap kong pamilya.

Gusto kong managinip at sulitin ang paghiga sa mala ulap kong kama. Gusto kong managinip ng matagal tulad ni Pepito Manaloto. Nais ko ring lakbayin ang pangarap ko tulad niya at mamuhay sa panaginip kung saan ang maginhawa, masaya, at maayos na buhay na inaasam-asam ko ay abot kamay ko. Tipong hindi na bale kung sa paggising ay problema parin ang kakaharapin ko.

"Mahal mo pa ba ako?" Madalas akong magulat sa mga tanong ni Yuniece pero kakaiba ang entrada niya ngayon. Bahid ang lungkot at labis na pag aalala sa kanyang mukha. Nakalingon sa akin at hinihintay ang magiging kasagutan ko sa tanong niya.

Matapos akong hindi maka sagot sa tanong niya tumayo siya't hinawi ang kurtina. Dahilan para masaktan ang mga mata ko sa sinag ng panibagong umaga. Gusto ko sanang sabihin kung gaano ko siya kamahal. Kahit gusto ko man hindi ko iyon magawa.

"May problema ba?" Pahabol na tanong niya kasabay ng muling pag higa sa kama at pagyakap sa akin. "Mahal kita at handa kong gawin ang lahat para sa'yo" Matapos niyang sabihin 'yon tinitigan ko ang napapikit na si Yuniece habang nakayakap sa akin. Hinaplos ko ang buhok at pisngi niya, dahilan para mamulat siya't tumingala ng tingin sa akin, at lalo pa niyang hingpitan ang pagkakayakap sa akin.

Hindi pa yata naka isang minuto nang inalis ko na ang kamay niya at ang kumot rin na nakalamukos sa akin. Bumangon na ako mula sa higaan. Ano raw ba ang nangyayari sa akin. Hindi na maintindihan ni Yuniece ang mga ikinikilos ko. Lalabas na sana ako sa pintuan ng kwarto nang hinabol at niyakap niya ako mula sa likod.

"Umiiyak ka ba Mallows?" Tanong ko nang harapin ko siya. "Hindi ako karapat-dapat para pagaksayahan ng luha mo". Nagalit siya sa akin non at sa mga araw na dumaan nanibago siya sa akin. Hanap niya ang dati kong kakulitan at paglalambing. Siguro nga ay hindi na kami tulad noon na malayang nagagawa ang mga kagustuhan. Ngayon ay may mga responsibilidad na't mga bagay-bagay na dapat unahin at intindihin. Hindi na nga kami mga bata pero mali yata ang naging desisyon namin na umupa sa isang apartment at dito'y magsama na. Sa tingin ko hindi pa ako talagang handa, at ganon rin ang tingin ko sa kaniya.

Bago ko pa masabi ang balak ko na pakikipag hiwalay na muna sa kaniya nalaman kong naunahan na pala niya ako. Isang kasulatan sa mesa nalang ang inabutan ko noong ako'y umuwi galing sa trabaho. Nagpaalam na siya at sumuko na sa akin. Akala ko kakayanin ko pero nalungkot ako. Noong college palang kasi kami masayang pinaguusapan na namin ang magiging future namin pero heto't ganito lang pala ang magiging ending. Niyakap ko ang katabi ko' ang malambing kong unan sa kwarto. Ang unan na alam kong narito lang parati at naghihintay sa aking pagdating. Handa akong lambingin, at paliparin ang isipan anumang oras na ako'y antukin, at handang maging akapan ko araw man o gabi. Amoy parin rito ang mabangong buhok ni Yuniece dahilan para palalo ko pa siyang maalala at mamiss.

_____________________________


Naputol ang aking panaginip dahil sa pagtalon ni Yuniece papasok sa aking kama. "Gising na Mallows!!" Tinatapik tapik pa ang pisngi ko at idinidikit pa ang ilong niya sa ilong ko, tumatawa tawa pa siya. Hinalikan ko siya at biniro siya "Para ka talagang bata Mallows".

"Kamusta naman ang pahinga mo Mallows?" Tanong niya kasabay ng pagtawa.

"Masama nanaginip ako eh. Iniwan mo daw ako?"

Tumabi siya sa akin at niyakap ako. "Ikaw pala ang parang bata dyan eh. Nandito lang ako para sa'yo palagi Mallows. Kahit anung mangyari hindi kita iiwan promise! Asahan mo nandito lang ako palagi. Palagi kang may mauuwian na mabait, malambing, at kyut na kyut na future asawa. Hindi ako magbabago sana ganon karin sakin ha?"

"Talaga Mallows? Para ka rin palang unan ko"

"Ha?"

"Wala halika Mallows almusal na tayo"

~~ o ~~

Pahalagahan mo ang taong indi sumusuko na mahalin ka ~Yuniece




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.