Sabado, Enero 24, 2015

Mien


credits: 3i_nastynurses
Handang itaya ang buhay para lang malaman ang 'yong pangalan. Makikipag patintero sa malalaking sasakyan, kahit sinong maitulak ay walang pakialam.

Parang isang himala ang ika'y makita, kahit mula sa malayo ka natanaw ay 'di pa rin makapaniwala. Parang sa The Face of Love ang eksena, nakikipagbiruan ba sa'kin ang sarili kong mga mata.

"Magkakilala ba tayo" agad n'yang sabi

"Hindi mo ba ako naaalala?" sagot ko sa kaniya habang kinakain ko lahat ng aking hiya

Doon ko na rin isusuko ang aking paniniwala na maaari ngang magbalik ang matagal nang nawala. Pasasalamat na lang dahil nagbigay ang Diyos ng instrumento para ipaalala sa'kin kung gaanong kaganda ang iyong wangis.


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin