Linggo, Disyembre 30, 2012

Iwasan Mo Ang Pag-tingin Sa Akin



Iwasan mo ang pag-tingin sa akin
Madalas mahuli mong sayo'y nakatingin din
Ang pagtingin sayo'y akin nang inaamin
Ngunit ayos na ang kaibigan para sa akin

Iiwasan ko rin ang sayo'y tumingin
Baka matunaw ka kasi na parang ice cream
Ngunit buhok mo'y tinatangay ng hangin
Ganda mo'y nagiilaw sa silid nating madilim

Paghanga ko'y paano ba ililihim?
Kung sa mga kilos palang ay halatang may pagtingin
'Di makapagsalita tuwing ikaw ay paparating
Kinakabog ang dibdib tuwing lilipat ka sa tabi namin

Sinubukan kong pigilin ang damdamin
Tibok ng puso'y 'di nalang pinansin
Ngunit tao lang, mahuhulog sa mapangakit mong tingin
At sa kagandahan mong sa anuman ay 'di maihahambing

Isang araw kinausap ko ang hangin
Tanong sa kaniya'y dapat ko na bang aminin?
Habang sa anghel na tulad mo ako'y nakatitig
Lipad ang isip, gising na nananaginip

Iwasan mo ang pag-tingin sa akin
Nahuhulog lalo ang puso kong bitin na bitin
Sinamahan mo pa ng ngiting talagang nakabibighani
Lalapit na ako't aaminin ang tinatago kong pag-ibig



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin