Monday, October 2, 2023

Tindahan ng mga Puso

credits @sacredheartmission
Nakakamangha. Isang taon na pala ang nakakalipas. Parang kailan lang ay halos pulutin ko ang aking puso sa lupa. Yung tipong na tapak-tapakan na at mapapaisip ka nalang kung may pagasa pa ba. Kung puede nga lang bumili ng panibago edi pabalik-balik sana ako at magiging suki sa tindahan ng mga puso. 

Hindi ba't lahat naman tayo ay naghahanap ng silver linings? Lesson learned from the past ika nga. Pero bakit ako parang wala namang natututunan sa mga pagibig na nagdaraan? Walang magandang naidulot at puro sakit lang ang sa akin ang naipaparamdam. Kaya nga naisiip ko, baka hindi ako mali ng minamahal. Baka mali lang akong magmahal.

Sabi mo hindi ka matangkad at hindi maganda at sexy in short hindi pinagpala-pero puro kasinungalingan naman pala. Ewan ko ba, sa dating site na window shopping ng pagibig, tapos na ang paghahanap ng makita sa larawan ang iyong ngiti. Alam kong hindi ko na kailangang mag scroll pa. Kung ako lang ang masusunod Mine ka na.

Matagal ko nang hinahanap ang kapayapaan sa aking sarili. Matigas daw ako, pasaway, manhid, at hindi malambing kaya ang hirap kong mahalin. Pinatunayan mo lang na lahat sila ay mali at sinayang nila ang inalay kong pagibig. Sa akin, pagpapala ang intindihin mo ako at mahalin ng at walang pagaalinlangan.

Huwag kang mag alala. Ang bawat piraso ng ating mga nadurog na puso ang bumubuo sa kung sino tayo ngayon. Alam kong handa ka. Handa rin akong mahalin ka sa ating pang habangbuhay. Tapos na ang lahat ng kalungkutan. Nandito ka na. Ikaw at ang makilala ka, ang pinakamagandang pangyayaring hindi ko inasahan.


~~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin