credits: dandre brooks |
"Kapag may nanalo na daw sa kanila, makakakain na tayo, 'tapos daw ang gutom natin. Hindi na ako makapaghintay." bulong ng katabi kong nakasagap sa kalam ng aking tiyan, sabay nguso niya sa palarong Trip to Jerusalem na nagaganap sa gitna ng kasiyahan.
Marami ang nanonood sa palaro. Habang sumisirkong paikot ang limang manlalaro. Sa pakiwari ko'y hindi nageenjoy ang lima. Hatang ngawit na ang kanilang mga mukha sa pagngiti. Ako lang yata doon ang nakapansing tila paramihan ng maglilitawang guhit sa noo nila ang nagiging laban.
Pero teka tayo ba o sila ang hindi na makapag hintay? Kating kating mga puwit. Hindi pa ba titigil ang nakakarinding jingle para malaman na kung sino'ng makakaupo sa pinagaagawan nilang upuan?
Pailing-iling kong tutunguin na sana ang labasan ngunit tunog ng pagkadismaya mula sa mga manonood ang nagbalik ng atensyon ko sa gitna. Ang isang manlalaro kasi, pinagpahinga na lang dahil hinahapo na't 'di na kayang magpatuloy pa. Mukhang may sakit siya.
Habang sa palaro.....
"Bakit ba palagi mo na lang akong binabangga?" sigaw ng maitim na manlalaro sa kasunod niya. "Maglakad po kasi kayo ng matuwid at huwag nang subukang mandaya." may malokong ngiti na sagot ng nakadilaw na manlalaro sa kaniya. "Mga g@#*ng ito. Go to hell, doon na kayo magusap!." inis namang sabi ng isa pang manlalaro kahit siya naman ang nasa unahan. Habang mahinahon at patuloy sa pagngiti sa mga nadadaanan ang natirang babaeng manlalaro "Wag po nating daanin sa init ng ulo." parinig niya sa mga kaagaw sa upuan pati na rin sa madla para ipabatid na she's the only one keeping his cool there.
Halatang magkakakilala ngunit hindi magkakasundo ang mga manlalaro at sinusubukan nilang magtimpi dahil maraming tao ang nakatingin at makakadinig sa kung ano ang lalabas sa kanilang mga bibig. Eyes on the prize na lang ika nga.
Noong tuluyan ko ng iniwan ang eksena..
"And you call them Seeds of Hope? Unbelievable." Nasa cubicle na ako ng CR noong marinig ko 'yon mula sa kung sino'ng nagbukas ng gripo. Natutunugan ko ang boses. Siya na nga 'yon. Siya 'yung may posisyon sa Simbahan. Hindi ako pwedeng magkamali dahil araw araw siyang nasa TV noong bumisita sa atin ang Santo Papa. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin at sino ang tinutukoy niya pero dinig doon ang pagkadismaya't mukhang gusto na niyang iwan ang kasiyahang iyon.
Uuwi na lang din ako't sa bahay na lang kakain. Susugal sa 60/40 chance na nasa pinagtaguan ko pa ang delatang tuna. Positive 60 dahil brain cells na konektado sa sikmura na lang ang gumagana sa'kin. Kesa naman tapusin ko ang palaro at party na 'yon.
Hindi ko na siya kinailangang hanapin para magpaalam. Ang man of the night, ang may kaarawan at s'yang nagpaparty. Nandoon lang kasi siya sa exit pinasasalamatan ang mga lumalabas. Pero bago pa ako tuluyang makalagpas sa kaniya'y parang stopper ng tollgate na humarang ang kamay niya sa akin. Sa nguso ng mga daliri niya'y papel na salapi, naghihintay lang na aking kuhain. "Thank you for coming. Pamasahe, pangkain mo. Kulay dilaw yan ah." alok niya sa akin.
Sa ginawa niyang 'yon, nasabi ko sa sariling hindi lang pala sa mga madrama at may throwback peg na TV ads niya nagagamit ang huwaran n'yang mga magulang. At kung tinanggap ko o hindi, isipin niyo na lang kung bakit nagising pa ako sa isang masamang panaginip. Back to reality. And so I checked.. My adobo tuna is safe and sound.
~~ o ~~
posted from Bloggeroid
No comments:
Post a Comment