Friday, December 1, 2017

Sa Aking Aklat

credits: leah saulnier
Sa aking aklat ko naisulat ang lahat
Lahat ng mahalaga sa akin ay doon naisulat
Mahahalagang pangyayari'y doon naitala lahat
Puno ng pagmamahal kahit simple lang ang pabalat

Sa mundo ito'y handa kong ipagkalat
Upang maibahagi, pag-ibig mula sa aking naisulat
Itinalang paghanga sa kagandahan at kabutihang taglay
Hindi alintana kahit pa maraming taon ang hinintay




Tayo'y magkatabi, ngayon na handa na ang lahat
Libro ko'y hindi ko pa rin mabigyang pamagat
Di masabi kung malungkot o' masaya itong magiging taging kabanata
Sa'yo na aking kababata ilalahad ang nilalaman ng aking aklat

Aklat na tanging tungkol sa paghanga ko sa'yo ang nakasulat


~~ o ~~


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin