Sunday, March 25, 2018

Nilagnat Nga Satnis

credits: afermov
Muling sasagi sa aking isip, na ang mga bagay na ating nasasabi't nagagawa ang siyang minasan ay nagtatapon ng mga kadahilanan upang manatiling naka kapit. Alam ko namang hindi ako naging sapat at nagiwan iyon ng malaking sunog sa aking kaloob-looban.

Ang matagal na panghihibang sa sarili ay mapapalitan ng tila pagpasok sa panibagong yugto ng aking buhay, pagbabalik sa kung saan nagsimula ang lahat, dahil ang mata'y marami na ring naipatak na luha. Luhang nasayang at hindi napahalagahan.

Minsang naligaw, nagsayang ng mga sandali sa aking buhay ngunit kapayapaan ng isip ang nahagilap ko sa araw na iyon. Kapayapaang sa tuluyang pagbitaw ko lang pala makakamtan.

Iniyakan ka, binaba ang aking sarili, nagsinungaling sa'king sarili, sinunod lahat ng inutos, at ngayong wala ka na'y nakita kong muli ang araw. Muling makakangiti habang sinasabi sa aking sarili, sa ginawang hakbang ay hindi ako nagkamali.


~~ o ~~


posted from Bloggeroid

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

2 comments:


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin