Monday, September 2, 2013

Ikaw Ang Papangarapin Ko


Maaari nga palang ang isang tao ay nabubuhay lamang sa isang malaki at mahabang panaginip 'gaya ni Pepito. Marami ang nagsabing libre naman daw ang mangarap at walang masama kung maghahangad ng karangyaan, kaligayahan at kaginhawahan. Ngunit sa pagpasok ng reyalidad, sasampal ang katotohanan sa 'yong pangagarap dala ang mga tanong tulad ng-hanggang pangarap ka nalang ba? at hanggang kailan ka mangangarap?

Ano bang masarap pangarapin? Na hindi kana eedad?, Na hindi mo na kailangang maghirap para kumita ng pera? Ewan ko ba, papangarapin ko na lang ang nakaraan, papangaraping kahit kailan ay hindi nagkaroon ng takot sa aking puso. Nasabi ko sana lahat ng gusto kong sabihin, nagawa ang mga gusto kong gawin, naiparamdam at naipahayag ko sana sa kaniya. ang pag-ibig na ang nakakaalam ay ako lang din.

Sana tulad noon, ligaya ang hatid ng pagbagsak ng ulan at hindi kalungkutan. Sana tulad noon, madali kong matatanaw ang ganda niya anumang oras ko naisin, buksan lang ang ang bintana at naroon siya nakikipaglaro sa ibang mga bata. Kamusta na kaya siya? Kamusta na kaya ang nararamdaman niya? Sana ay hindi siya nagbago, sana'y hindi nagbago ang tibok ng kaniyang puso.

Patawad kung kinailangan kong umalis, patawad kung matagal pa bago ang aking pagbabalik, patawad rin kung noon ay matagal akong nabuhay sa takot. Patawad kung hindi ko agad na naipagtapat sa'yo. Pero salamat, salamat dahil noong sinabi kong ikaw ang mundo at pangarap ko, malambing na tanong mo sa akin kung hanggang pangarap na lang ba ako? Kung ang lahat ay maaari naman natin gawing totoo. Muntik na akong sumuko sa hirap ng buhay dito, ikaw ang papangarapin ko, ang lahat ay magiging maayos muli ang takbo.

 ~~ o ~~

Ngayon lang nakabalik. Nawala para magfocus sa bagay na sa simula pa lang alam ko namang hindi titibay at magtatagal. Sorry.

 

Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

4 comments:

  1. May saya ngunit may kalungkutan ding hatid.
    Kakaiba pero maganda ang pagkakalikha..
    Salamat tropa!

    ReplyDelete
  2. salamat ng marami kapanalig sa pagbasa hehe ^^

    ReplyDelete
  3. thanks for adding me sa mga kpanalig. :) add kita blog ko. salamat!

    ReplyDelete
  4. no problemo. maraming salamat din po ^^

    ReplyDelete


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin