Palagi kong naaalala ang ating kabataan
Mga araw na ginagabi tayo sa daungan
Mga ilaw doong patay-sindi't naglalabuan
Mga mata mong kahumalingan ko ang kinang

Palagi kitang sasamahan sa ating tambayan
Oras ay lumilipad habang ang isa't-isa'y ating sandalan
Kahit pa ang malawak doong ingay ay 'di nagiging hadlang
Pakikinggan ang puso mo, dahil ang sa akin ay ikaw ang laman

Palagi kong tatawanan lang ang katotohanan
Na sintunado ako kung kaya't 'di ka maawitan
Tutugtog na lang, musika ng gitara na ang sayo'y duduyan
Sabay nating hihintayin, pagdating ng katahimikan

Palagi kitang sasamahan at pakikinggan
Sa mga kuwento mo tungkol sa iyong nakaraan
Dadamayan sa dulot nitong kalungkutan
Mga damdaming sabi mo, masasabi lang sa isang kaibigan

Sa ating paglalakad, kita'y palaging pagmamasdan
Hanggang sa ating paguwi, baon mo pa rin ang kalungkutan
Hindi kahit kailan ako nagsawang ika'y paalalahanan
Narito lang ako, kahit kailan ay hindi kita iiwan

Palagi tayong iisip ng idadahilan
Kung bakit huling palagi ang dating natin para sa hapunan
Ipagtatanggol ka kung ika'y pinapagalitan
Sasabihing ako naman talaga ang mayroong kasalanan

Palagi kong naaalala ang sa akin mo'y tinuran
Lahat ng bagay ay nangyayari na may kadahilanan
Lahat tayo sa mundo ay may dapat na gampanan
Ngunit lumuha ka raw sa pagalis kong kapwa nating 'di inaasahan

_____________________________
Palagi kong naaalala ang ating kakulitan
Pikit-matang bibilangin ang bawat hakbang papuntang daungan
Magkahawak-kamay kung kaya't walang kabang nararamdaman
Hawak ang pangako sa isa't-isang walang mangiiwan
Palagi kong naaalala ang ating sumpaan
Lungkot 'man ang hatid nito sa aking puso't isipan
Kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan
'Di ko rin ginustong lisanin ka at ang bahay ampunan

Mula noon ay ilang taon na nga ba ang nagdaan?
Hiling ko na lang na alam mo pa rin ang daan
Sana isang araw ay bumalik ka rin upang katagpuin ako sa ating tambayan
Kahit pa alam kong malabong mangyari pa ang aking kahilingan

Sana'y nabilang ko rin ang bawat hakbang pabalik sa ating tahanan
Sana'y nakabalik ako't naitama ang mga kamalian
Sana'y muling mamasdan ko ang iyong kagandahan
Sana'y muli kang makasama kahit pa panandalian

Sana'y alam mo pa ang daan papuntang daungan
Doon, sabay nating hihintayin ang katahimikan
Sabay tayong aawit ng hiling sa karagatan
Sabay nating papangarapin ang ating nakaraan

Alam kong walang kapatawaran ang biglaan kong paglisan
At ngayon na dilim 'man ang paningin ko't daan
Hihintayin ka pa rin upang sayo'y humingi ng kapatawaran
At sasabihing sa piling mo, natagpuan ko ang tunay na kaligayahan

Ang lahat ay tanaw ko bilang aking kasalanan
Ngunit nawala man ang paningin ako'y hindi pinanghinaan
Makakaya ko pa ring tanawin ang wangis mo't mga katangian
Magkikita pa tayo, ika'y muli kong mahahagkan

Kahit pa ang lahat ay hanggang sa pag-alala na lamang
Palagi kong aalalahanin ang ating kabataan
Palagi kong aalalahanin ang ating pinagsamahan
Palagi kong aalalahanin ang ating nakaraan

Palagi kong aalalahanin ang ating pagmamahalan
Hindi mahalaga ang sasabihin ng mga mapapadaan
Hindi mahalaga kung ako'y kanilang pagtawanan
Hindi mahalaga kung ako'y tawagin nilang matandang hukluban
Ngunit mali ang sabihin nilang ako'y bulag, pulubi, na walang mapaglagyan

Dahil dito, sa'yo, sa piling mo, ang tunay kong tahanan
~~ o ~~
Ang tulang ito ay aking lahok sa Saranggola Blog Awards 5
wow eheheh ikaw na! ang daming entry. Sana manalo ang isa sa mga entry mo sa SBA
ReplyDeletehehe salamat kaibigan. goodluck din ^__^
ReplyDeleteNice! :)
ReplyDeletesalamat purple ink ^___^ salamat rin sa pagbasa.
ReplyDelete