Sunday, August 22, 2021

Q5G2+6GW

credits: ricardolaranjo
Paano tayo dito nakarating? Walang malinis na hangin. Makahinga man dito ay masasakal ang pagkataong iningatan natin. Nasaan na ang damuhan? Isang iglap ay malulutong na ang kahoy ng mga punong nagsimatay, maging ang mga bulaklak at halaman ay wala nang lahat. Lahat ng matatahanan nati'y tuyot na at hinahangin. Ngayon ay usok at dumi na ang bumabalot. Paano natabunan ang ating mga pangarap?

Mahal, huwag mo akong lilimutin at hindi ako kailanman mangangalawang. Maging maselan ka sana, at pagisipang mabuti bago ipautang ang iyong pagtitiwala sa iba. Huwag kang lalayo sa ating kasanayan. Padaanin ang mga bangungot, buhayin ang bawat panaginip. Maging kung ano man ang iyong pinapangarap. Huwag mo akong alalahanin, ang bubog na pumatay sa akin ang magpapaigting sayo'ng mga mithiin sa paglisan mo sa tambakan ng rizal landfill.


~




Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin