Sunday, February 5, 2012

Symbianize Ninjang Ligaw



Nagsimula ako dito sa Symbianize noong February 2011, dapat nga ay sa Symbianize birthday ko pa ako gagawa ng story, baka sabihin meganon talaga!? Kaya dapat ngayon na.

Kung sa chat lang naman eh sa Uzzap talaga ako nag-simula. November 2010 noong lumaganap ang users na natuto na gumamit ng bot, bilang isang miyembro ng "Akatsuki" na isa sa kontrobersyal, mapanggulo, makukulit at mga pasaway ang miyembro, general karma na maituturing ang pag-sulpot ng mga bot sa aming chatroom. Pinasok nila at pinunan ang halos lahat ng akatsuki slots kaya kaming mga lehitimong miyembro ay agawan sa pag-pasok, swerte pa kung 5:00am ay naka pasok ka pa.

January 2011 noong nagbigay ng notice si akats>itachi gamit ang PM, isa sa mga leader ng aming grupo, "Register kayo sa Symbianize, magpopost ako dun muna tayo pansamantala." Akala namin ay ganon lang kadali 'yon, nagkagulo ang buong grupo dahil wala namang malinaw na paliwanag si itachi. Naging npa kaming mga miyembro sa barkadahan chatrooms, hindi kami magka-hanapan, kung mahanap man 'di magka-intindihan.

Hindi ko alam kung lahat ba kami ay napadpad sa Symb, akala ko noon ay member na ako dahil nababasa ko naman ang mga post ng members, nalaman ko lang na illegal alien pa ako nang mapunta ako sa thread ni idol 16MinutesLate tungkol sa smart free internet. Hindi ko naman kasi alam na sa Gen. Chat dapat ako nagpunta para hanapin ang pakay ko, nung time kasi na 'yon may nagsisimula ng text clan sa smart eh, dahil nga smart uzzap doon talaga ako nag-hanap.

Nakapag register na ako noong february dahil nga gusto kong mapagana ang free internet sa samsung ko, and wow! Inabutan ko ang active days nila idolShiangtao hari ng apps at kung anu-ano pa, halos lahat ng gamit ko sa kaniya galing, active days ni idol dom vgallardo_22 leader ng Symbianize WWE Universe kung saan hell yeah! Dapat akong mapa-bilang, active days ni idol wally wow_ulam na lahat yata ng hanap ko ay naipost na niya rito. Hindi lang pala ang gusto kong matutunan ang nandito, lahat ng hilig ko pala ay matatagpuan ko rito, idagdag pa ang mga nabasa kong likha ni idol panjo na minsan rin akong nainis, buti nalang nandoon sina PadrePio at sir Kinghari, hindi pa kasi talaga ako napadaan sa forum guidelines kaya salamat po sa pagpapasensya.

Dahil nga may alam na ako kahit papaano, tumulong ako sa mga nagtatanong at naging palaboy ako sa kung saan-saang section ng Symb, nakakainspire kasi yung dating intro ni sir Kinghari sa Helpteam thread niya. Isang araw habang naglalakad ako sa Symbianize RSS Feed, boom! Nakita ko angSymbianize Akatsuki v3 Reloaded ni sir skylar21. Pero alam ko nang hindi 'yon ang matagal ko nang hinahanap dahil nga v3 Reloaded alam ko na group revival ang napasok ko. Naging member ako at naadik sa Gen. Chat, mas maloko pa sa mga dating akatsuki ang nakasama ko naging ninja ako ng Symbianize Akatsuki, shinobi ng S60 Help Team, at manananggal ng Tambayan ni Batman hahah.

Nakilala ko ang maraming kaibigan sa kanila ako natuto ng mga bagay-bagay, nakipag unahan pa ako sa pagpapa-level talagang adik, pero natutunan ko rin na hindi 'yon mahalaga dito. "You without realizing your Symbianize history is in the making. It makes your title represents who you really are." Kanino ko ba narinig yon?

Symbianize made proud of what i can do, andami ko palang kayang gawin kailangan lang talaga mahal mo ang ginagawa mo, sabi nga nila "Kung mamahalin mo lang ang kaya mong gawin para makatulong sa iba, hindi na 'yon trabaho kundi regalo."

rasheed42: "Kung anong hilig mo yun din ang ibahagi mo dito" (Naging uploader ako sa Tones & Audios)

panjo: "Bakit naman ako never nahilig sa pagbabasa? Tingin-tingin lang sa paligid maraming pwedeng ikwento. Tulad nitong pag-uusap natin" (Naging active ako sa Stories & Essays)

Isa rin ako sa mga nagtatanong noon kung papaano magkaroon ng reputation. Kung sinu-sino pa nga na pm ko dati tungkol d'yan.

rasheed42: "Hindi naman mahalaga kung ilang berdeng bato ang meron ka, ang mahalaga masaya kang may natutulungan"

clipper_cloude: "Hindi mahalaga sa akin kung ilan rep points. Bastat alam kong marami akong natulungan at naging totoong kaibigan masaya na ako."

Bagong mga kaibigan sa bagong tahanan. Sa kanila na mga nakilala ko natutunan ang love of service and friendship na walang hinihintay na kapalit.

~~ o ~~


www.symbianize.com




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.