Ako man
ay walang kasiguraduhan kung mainit pa ba ang aking kape at kung ilang minuto
ko na bang hinahalu-halo't tinititigan lamang ito, hirit pa ni Elsa, kung
himala at swerte lang din naman daw ang hinihintay ko'y mali ang lugar na
napuntahan ko, mula pa daw kasi kaninang umaga ay walang nagkamaling magbigay
ng tip sa kaniya. Ang lungkot sa wangis ni Elsa, para bang nagsasabing sasakyan
na lamang niya ang katotohanang nawala na ang kaligayahang bumabalot sa lugar
na ito. Mahirap daw ang magpangap kaya kahit ako'y hindi na niya magawang
ngitian, liliparin pa ang dalang dyaryo ng isang lalaki, dyarong puno ng
nakakadismayang balita, pagsisiwalat, pagamin, at paghingi ng paumanhin.
Palagi kong naaalala ang ating kabataan
Mga araw na ginagabi tayo sa daungan
Mga ilaw doong patay-sindi't naglalabuan
Mga mata mong kahumalingan ko ang kinang