Wednesday, May 22, 2019

Mendiola

credits: palisinwonderland
Sabi ni sir Ricky Lee-hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang kaniyang paniniwala. Minahal ko naman ang hilaga, silangan, timog, at kanluran ng mga paniniwala ni Minda pero hindi pa rin siya naniwalang may magandang patutunguhan ang samahan namin.

Ang magagawa ko na lang ngayon ay titigan siya. Pinipilit kong hindi mag auto focus sa dibdib niya pero kapansin pansin ang ginto niyang kuwintas na hindi naman naka sabit noon sa leeg niya. Marahil ay galing yon sa kung sino man ang kasintahan niya ngayon.


Sunday, May 19, 2019

Last Trip

credits: hezrei escabel
Alam ko namang madali siyang makakahanap. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin. Pagmamahal, madali niya 'yong naituro sa natutulog kong kaluluwa. Alam ko. hindi lang ako naging handa sa pagdating niya.

Alam ko ring hindi puyat ang nagpapahapdi sa aking mga mata sa mga sandaling iyon. Gusto ko siyang yakapin upang hindi maampyasan pa ng bumubuhos na ulan, kung ako lang sana ang kasukob niya sa payong na iyon.




All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.