Thursday, May 10, 2018

Vrata

credits: benwill
Nagwawala kung kailan huli na ang lahat. Sa mundo kung saan nililinang ang aking sungay. Aking naramdaman ang kakaibang pakiramdam ngunit hindi iyon galit sa iyo, sa pinakaunang pagkakataon.

Ako'y nagbabago, ako'y nawawala, ako'y tumatanda, at ako'y naglalakbay papalayo sa malalaking pagkakataon. At kung sa tingin mong ito'y mali, maaari mo akong samahan. Hindi mo pa rin ba napapansin? Ang buhay ko ay magpapatuloy lang kahit wala ka.

Wala nang kinabukasan para sa iyo at sa akin, para sa ating dalawa. Matagal akong naniwala, walang tigil akong naghanap. Mali ang pagkakatanaw ko dito noong una, kailangan kong aminin. At ngayon na wala na akong iba pang magagawa. Huwag kang luluha.

Maaaring ako lang ang nawawalan, maaring mayroon pang kinabukasang naghihintay para sa iyo. Gustuhin ko mang ituro sa iyo ang daan patungo doon ay hindi ko magagawa.

At kung may masulyapan pa akong pagkakataon, ito ay walang pagdadalawang isip kong hahabulin. Sabi nila hindi raw nagbabago ang tao, at gagawin ko ang lahat para mapatunayang mali sila.

May mundo sa likod ng saradong pintuan at tinatawag nito ang aking pangalan. Tinatawag rin nito ang sa iyo. Ihahatid kita doon at panonooring hawakan mo ang nagaabang niyang kamay, habang ako, magpapatuloy at hahanapin ang nawawala kong mundo.


~~ o ~~



Iyo bang naibigan kaibigan? Share mo na! :)

No comments:

Post a Comment


All rights reserved Kwentista Blog


for concerns mail @ aldrinespiritu29@gmail.com

DO NOT COPY!

Protected by Copyscape Plagiarism Finder

This Blog is best viewed on Google Chrome.

Blog Widget by LinkWithin